Mula sa salaming bintana na nakataas ang blinds ay kitang-kita ni Mardy ang madilim na kalangitan sa labas. Bahagya siyang umusog at wala sa loob na hinanap ang pamilyar na init ng katawan galing sa katabi ngunit napakunot ang kanyang noo nang wala siyang makapa kundi unan. Sandali siyang dumilat para tingnan kung bakit pero napag-alaman niyang wala na siyang katabi sa kama. Bumangon siya at hinanap si Gunter sa buong silid pero hindi niya makita. "Nasaan ba iyon?" Bulong niya sa sarili. Akmang bubuksan na niya ang banyo nang nauna na iyong bumukas hindi pa man niya nahahawakan ang door handle. Iniluwa niyon si Gunter na basa ang buhok habang may nakatapis na tuwalya sa bewang. Ang tubig ay tumutulo pa mula sa buhok nito hanggang sa leeg papunta sa dibdib at tiyan. Napalunon siya ng

