Nang makarating sa hapag ay nadatnan niya ang mga babae sa mesa. Marahil ito ang mga asawa ng mga kapatid ni Arch. "I'm Mikaela. Mika for short." nakangiting saad ni Mika –ang may bahay ni Rick. Lihim siyang napangiti. Ang simple kasi nito pero may class ang dating. Kung hindi lang naikwento ni Arch na fashion designer ito ay iisipin niyang isa itong model. "And I'm Yvette. Yves will do." ang may bahay ni Marco. Saka inilahad nito ang palad sa dalaga at nakipagkamay. Kita sa tangkad nito at pagka-sopistikada ang ugali nito. Mukhang mataray ito pero dahil maganda ang pagkakapakilala nito ay naramdaman niyang mabait ito. "Trish." tipid na saad ni Trisha ang may bahay ni Miggy. Isa ring simpleng babae. May pagkamahiyain pero dala na rin siguro ng katulad ng nararamdaman ni Laine na kilalan

