"How are you?" bungad ng binata nang dumating si Jewel. "I’m fine. Ikaw ba? Tingin ko ay masaya ka dahil may Lizette ka na. Ikaw ha... Hindi ka man lang nag-kuwento sa 'kin. Kayo na pala hindi ko man lang nalaman." may tonong pagtatampo na saad ng dalaga. "Kami? Nino? Ni Lizette?" nanlalaki ang mga mata na saad nito. Ganoon pa man ay hindi naaalis ang titig ni Jewel sa binata. How he suddenly transformed from a nerdy look to a handsome hot guy. "Hey, baka bumaha ng laway dito." pinagpitik nito ang hintuturo at hinlalaki para gisingin ang natutulog na diwa ng dalaga. Nang mapansin niyang okay na ito ay saka siya muling nagsalita. "Hindi kami ni Lizette. We're friends. Baka kayo ni Arch. Hindi mo lang sinasabi. May pasandal-sandal ka pa sa balikat niya. Dati sa matipunong dibdib ko lang

