Kanina pa niya hinihintay ang paglabas ni Ereka. Hindi niya makontak ang cellphone nito. Nagulat siya ng tawagan siya ni Ella ang stepsister nito. Hindi na niya tinanong kung saan nito nakuha ang number niya may kutob siya may ginawa ito para makuha iyun sa dalaga. Nag-aalala siya baka hindi naging maganda ang resulta ng pagpapaalam nito sana pala hindi na lang niya hinayaan ito na gawin nito iyun ng mag-isa. Naikuyom niya ang mga kamao. Hindi na niya mahihintay pa ang oras. Lumundag siya at tinungo ang kabahayan. Sinilip niya mula sa maliit na silid ang dalaga. Agad na umahon ang galit sa dibdib niya ng marinig ang paghikbi ng dalaga. "Ereka..." Mabilis na tinungo niya ang backdoor kung saan malaya siya pumasok noong unang beses na pinuntahan niya ang dalaga. But to his surprise hi

