"Nag-enjoy ka ba?" untag ni Clyde sa dalaga. Ipinasyal niya ito sa magaganda lugar na mayroon ang pilipinas. Isang linggo na rin sila naglilibot at ngayon naman ay nasa Baguio sila. Nakaupo sila sa Bermuda grass at yakap niya ang dalaga mula sa likuran nito. Nakasandig sa kanya ito upang umamot ng init na nagmumula sa kanya gaya ng kung paano ito umamot Kay Clyde o ang alagang Aso ika nga nito. He smirked. Napukaw ang atensyon niya ng maramdaman ang kamay ng dalaga sa kaliwa braso niya. May kung ano ito ikinakabit roon. Pagkatapos itinaas niya iyun para makita niya. Agad siya napangiti. Isang wristbond na gawa sa matibay na tali iyun. May maliit na kahoy bilay disenyo sa gitna. "Meron din ako.." anito na ipakita sa kanya ang kanan kamay nito. May nakakabit din doon katulad ng kany

