Mula sa kanya kinatatayuan. Nasaksihan ni Clyde ang abalang si Ereka sa paglilinis ng bakuran ng malaking bahay.
Nakatayo siya sa matibay na sanga ng isang mataas na puno ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan nito.
Ilang araw na niya sinusubaybayan ang dalaga. Palagi niya ito tinatanaw mula sa malayo. May araw pa nga na nakita niya ang dalaga na pinapagalitan ng isang ginang.
Naikuyom niya ang mga palad ng marinig ang sinabi noon ng babae sa dalaga.
"Wag kang tatamad-tamad! Bweset ka! Pasalamat ka pa nga hindi kita pinalalayas dito,eh ano kung anak ka ni Julio! Patay na ang ama mo at ako ngayon ang may karapatan sa pamamahay na ito!"
Agad na pinainbestiga niya ang pamilya ng dalaga at doon niya nalaman na pangalawang asawa pala ito ng ama ng dalaga at apat na taon na mula ng mamamatay sa isang aksidente ang ama nito at ngayon ang step-mother at step-sister nito ang nagpapasasa sa yaman ng magulang ng dalaga kung tutuusin may karapatan din ito.
Napatiim-bagang siya ng malaman na pumapasok na wala laman ang sikmura ng dalaga. Nagtitimpi lang siya na wag saktan ang gahaman na mag-ina iyun.
No one can hurt his mate..no one!
Pagod na siya pero pinipilit niya ang sarili tapusin ang paglilinis ng bakuran. Kailangan malinis dahiL magkakaroon ng barber cue party ang mag-ina mamaya gabi.
"Hoy,ano? Tapos ka na ba?! Aba! Bilis-bilisan mo naman!" pagtatalak ng madrasta niya.
"Patapos na po,Tita.."pagod niyang sagot.
Tulad ng ugali nito,ibinato nito sa kanya ang isang maliit na notepad.
" Ayan,bilhin mo yang mga sahog na yan para maihanda ko na ang iluluto ko mamaya! Bilisan mo!"anito bago siya talikuran.
Buntong-hininga na dinampot niya ang notepad na nahulog sa paanan niya.
Nakalista roon ang gagamitin nito sa pagluto mamaya gabi.
Tinapos na niya ang dapat tapusin para makapagrocery na siya.
Marami-rami din ang pinamili niya kaya nahirapan siya bitbitin ang mga iyun,mahirap pa naman makapara ng taxi dahiL rush hour una-unahan ang mga pasahero.
Hindi niya alam kung paano siya makakauwi. Sigurado siyang sermon na naman ang aabutin niya kapag ginabi siya ng uwi.
Pinilit niya makakuha ng taxi pero lagi siya nauunahan at sa hindi inaasahan may isang puting kotse ang pumarada sa harapan niya.
She sighed. Nahirapan na nga siya pumara ng taxi hinarangan pa siya ng sasakyan ito.
Bumukas ang pintuan ng kotse at ganun na lamang ang pagkalabog ng dibdib niya ng makita lumabas roon si Sir Clyde.
"S-Sir Clyde...?" anas niya.
Deretso ang tingin nito sa kanya.
Sinulyapan nito ang mga pinamili niya at agad na binalik ang mga kulay asul nito mga mata sa kanya. Agad siya nailang sa harapan nito.
Here we go again!
"Ihahatid na kita.." seryoso nito saad.
Gulat siya napatitig rito. Ano raw?
Lumapit ito sa mga pinamili niya at binitbit ang mga yun ng walang kahirap-hirap.
"Sir,wag na ho..baka po makaabala ako sa inyo?" pagtanggi niya.
Seryoso bumaling sa kanya si Sir Clyde. Nakikita niya sa mga mata nito na hindi nito nagugustuhan ang nangyayari. Pero bakit?
"Sige na..wag ka ng tumanggi,mahirap kumuha ng masasakyan ng ganito oras.."tiim-bagang nito saad.
Hindi na siya komontra pa. Tama naman ito. Hindi niya gugustuhin na mapagalitan pa siya ng kanya madrasta.
Tahimik na sumakay siya ng kotse nito.
" Salamat,Sir Clyde.."kimi niya saad na hindi makatingin rito.
She heard him sighed na ikinabaling niya rito.
He looks so upset.
Naikuyom niya ang mga palad na nasa kandungan niya.
"Ayaw ko lang mahirapan ka,Ereka.."
Gumalabog ang dibdib niya sa sinabi nito.
He sighed. "Ayoko lang na pinahihirapan ang isang tao na walang laban.." makahulugan nito saad bago pa man siya makareak pinaandar na nito ang sasakyan kaya pinili na lamang niya manahimik.
Bakit parang pakiramdam niya may nalalaman ito sa kanya?