“GUMISING ka na ati!” Panay ang yugyog sa akin ni Juls. Gising na ako pero tinatamad pa talaga akong bumangon. I feel weak and exhausted. I just want to sleep and sleep. Dahil sa walang tigil na kakatalak ni Juls ay nagpasya na akong bumangon. Napaatras naman si siya at tumayo sa harap ko ng tuwid. “Bakit ba Juls?” Tanong ko at itinali ang aking buhok. Her eyes widened. “Ati sobra-sobra ka na sa tulog. Alas diyes na kaya ng umaga. Ang taba ng pisngi mo.” Wala sa loob na kinapa ko ang aking mukha. Bakit hindi ako tataba eh lagi ata akong gutom. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang aking daliri na may singsing. It was an engagement ring that Grae gave me last month. It's almost two months without him. And I’m hurting. I looked up to Juls. “Bakit? Wala akong trabaho ngayon.” Nagkamot

