Chapter 51 “Napakatakaw mo naman,” komento ni Third pagkatapos ubusin ni Selestina ang dalawang piraso ng mansanas. “Tss. Para prutas lang matakaw na. At least hindi tumataba,” mayabang na sagot ni Selestina. Nilingon ng dalaga si Third. “Bakit? Gutom ka na ba?” kapagkuwan ay tanong niya. Tumango si Third. “Masakit na nga ang sikmura ko,” napapakamot sa ulo na sagot ng binata. Tumango-tango si Selestina sabay tayo mula sa pagkakaupo. “Ibibili kita sa cafeteria. Ano ba ang gusto mo?” tanong ni Selestina. “Hmm. Gusto ko ng spaghetti saka sandwich dalawa. Samahan mo na rin ng ice tea dahil nauuhaw ako. Saka pabili na rin ng pancake ni Aling Myrna dahil masarap din ‘yun saka…” hindi natapos ni Third ang sasabihin dahil sa mukha ni Selestina. Nakataas kasi ang kilay ng dalaga na anim

