Chapter 55 “Hello,” usal ni Selestina. Gumaragal ang kanyang boses. Tumikhim siya at pilit na pinapakalma ang umuusbong kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit tumawag sa kanya ang binata. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin dito. Napapikit siya habang nag-iisip ng isasagot kung sakali man na may mga tanong ito. Napabuntonghininga siya at nagsimula na naman siyang hindi mapakali. “Come back here,” rinig niyang anas ng binata sa mahinang boses. Kaagad na bumalot sa kanya ang matinding kaba. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng binata at hindi niya alam kung paano ito haharapin dahil sa ginawa niya. “Ha?” nagugulat pa rin niyang tanong. “B-Bakit?” tuliro niyang tanong ulit. Nakagat niya ang kanyang labi dahil sa matinding kaba

