Chapter 24
Selestina raised her middle finger at Irish na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Tumawa pa muna siya bago pumasok sa kotse ng kaibigan.
“Hay, ewan ko ba sa mga tao ngayon.” Narinig niyang wika ng kaibigan habang pinapaandar nito ang kotse. Lumingon ito sa kanya. “Ano naman kaya ang eksena nolung dalawa? Bakit kaya siya iniwan ni Third? Psh! Naiintriga tuloy ako kahit wala naman dapat akong pakialam!”
“Hahaha! Ang init naman ng ulo mo,” nakangisi niyang komento.
Pinandilatan siya ni Jordan. “Biruin mo, nakukuha mo pang tumawa samantalang gusto ko ng kumain ng tao dahil sa inis. Nabubuwisit ako kay Irish at sa kanilang lahat! Mga letche sila panira ng buhay! Grrr!”
Malakas na tumawa si Selestina. “Alam mo, kumalma ka na lang dahil sigurado akong hindi lang ito ang aabutin ko rito. Mabuti na lang at hindi ka nadamay. Tss.”
“Madadamay talaga ako dahil magkasama tayo, eh,” nakangiwi nitong sabi. “Saka, girl, ang ganda ng buhok mo pero bakit mo naman pinutol? Sayang, eh. Healthy pa naman tingnan mo ang buhok,” usisa ng kaibigan.
“Mmm. Trip ko lang.”
“Psh! Pero talagang magkamukha na kayo ni Celestine. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang daming nagsasabing magkamukha kayo? Sabagay, magkaiba naman kayo ng apilyedo at saka uso na ang mga doppelganger.”
Nanlaki kaagad ang kanyang mata. “Doppleganger? Nakakatakot naman ‘yan, ah!”
“Ay, este—magkamukha. Parang momo yata ang doppelganger, di ba?”
“Tss. Oo. Kinilabutan tuloy ako. Paano na lang kung may makita kang kamukha mo tapos nakatayo siya sa pinto habang nasa kama ka.”
“Tinatakot mo naman ako. Pero, huwag mong ilayo ang topic. Hindi ka ba nagtataka?” usisa ni Jordan sa kanya.
Huminga siya ng malalim. “Nagtataka ako, siyempre. Gulat pa nga ako noong una kasi halos lahat yata nang nakakita sa akin ay nanlaki ang mga mata tapos bulungan kaagad sa paligid kesyo bakit daw ako nandito? I look like her daw tapos hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya,” mahabang paliwanag ni Selestina.
“Right? Kung ano ‘yan magtataka rin ako. So, ano na ang plano mo?” intriga na namang tanong ng kaibigan habang abala ang kamay sa manibela.
Napamaang na napatingin si Selestina sa kasama. “Plano? Saan?” tanong niya.
“Hindi ka ba magtatanong man lang? I mean, mag-imbistiga ba. Para naman malaman mo kung may kakambal ka ba talaga o wala,” kibit-balikat nitong sagot.
“Wow! Kung maka-imbistiga ka naman diyan parang imbestigador naman ako. Tss.”
”Tangek. Ang ibig kong sabihin magtanong-tanong ka lang naman diyan sa tabi-tabi. Baka mamaya kambal talaga kayo pero pinaampon ka lang. O kaya naman ay si Celestine ang pinaampon. Diba?”
She pursed her lips saka huminga ng malalim. “H-Hindi ko alam. Parang ang weird naman kung mag-i-imbistiga ako at saka hindi ko naisip na pinaampon ako o kaya naman ay may kakambal ako,” pagsisinungaling ni Selestina.
Sunog na sana siya ngayon kung masusunog lang ang sinungaling.
“Really? Pero, well, that's your choice naman.”
Nakahinga siya nang maluwag nang ihinto ng dalaga ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Kaagad siyang bumaba at binitbit ang kanyang mga gamit. “Maliligo na muna ako, ha? Tutulungan kita mamaya sa dinner natin,” kaagad na anunsyo ni Selestina habang papasok ng bahay.
“Sige. Aayusin ko lang ang mga gamit ko,” sagot ng kaibigan.
Inis niyang hinubad ang kanyang suot na amoy syrup na orange flavor pagkaakyat sa kanyang kwarto. Nagmadali siya sa pagligo at pagbaba ay tinulungan niya si Jordan sa pag-asikaso ng kanilang hapunan. Nagtanong na naman ang kanyang kaibigan habang nasa hapag sila.
“Ano na pala ang plano mo sa saturday? May susuotin ka na ba?” tanong nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam. Saka ball style pala ’yon? Gagastos lang ako, eh.”
“Hmm. Pero mas okay na rin naman ‘yon para mas marami kang makilala. You know, imbistigador,” pahiwatig pa nito.
Natawa siya ng bahagya. “Ewan ko. Hindi pa ako sigurado. Pero maiba tayo, may sasalihan ka bang club?”
“Hindi ko alam. Wala naman akong talent, eh. Maganda lang talaga ako,” mayabang nitong sabi.
“Tss. Pwede ka namang mag-audition sa theater’s club. Magaling kang umarte. Puwede ka maging Sisa,” panggaga6niya sa kaibigan na sinabayan pa ng tawa.
Sumimangot ito sa kanya pero natawa na rin. “Ewan ko sa ‘yo pero puwede namang hindi sumali.”
“Same. Parang mas gusto kong mag-focus.”
Tinapos na nila ang pagkain at umakyat na rin siya sa kanyang kwarto. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kama habang nakaharap sa bintana. Umilaw ang kwarto na nasa tapat at kitang-kita ni Selestina ang anino ng lalaking naghuhubad ng t-shirt. Napapalunok siya tumayo at isinara ang kanyang bintana.
“Gagong ‘yon, tss.”
Aksidente lang naman niyang nakita at hindi sinasadya pero bigla pa rin siyang nahiya.
Nalunod siya sa pag-iisip. Kung pupunta siya sa party ay kailangan niyang mamili ng damit. Naalala niyang niyaya siya ng binatang si River pero tinanggihan niya ito dahil wala naman talaga siyang balak na pumunta. Pero naisip niya ring tama ang kaibigang si Jordan. Marami siyang makikita roon. At puwede rin niyang gawing excuse ang party para malaman ang mga taong nakapalibot kay Celestine Lim.
Napapitlag siya sa gulat nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong kinuha mula sa night stand at tiningnan ang mensahe. Galing sa isang hindi kilalang numero ang natanggap niyang mensahe.
She clicked the text at binasa ito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mabasa ang mensahe.
I’m watching you.