Chapter 53 “I kissed him.” There. She said it. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Jordan nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Ini-imagine pa lang niya ang ginawa nito ay hindi na siya mapakali. Past is past at wala siyang kakayahan na baguhin ang nakaraan. Kailangan niya lang tanggapin ang resulta ng nangyari. Dahan-dahan na iniangat ni Jordan ang dalawang kamay at takip ang mga bibig, sumigaw siya sa gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Oh my god!” impit na tili ni Jordan. “Oh my god!” pag-uulit niya pa. Nanginginig ang kanyang katawan sa sobrang gulat ngunit hindi niya rin mapigilan ang tumawa dahil sa katangahan ng kaibigan. “Bakit mo naman ako pinagtatawanan?” naiinis na maktol ni Selestina d

