Chapter 17
Maagang nagising si Selestina kinaumagahan. Mali. Hindi talaga siya nakatulog. Para siyang lumpiang shanghai na pagulong-gulong sa kanyang kama. Hinilot niya ang kanyang sentido dahil pumipitik ang kanyang ulo. Hindi talaga maganda ang nararamdaman niya kapag hindi siya nakatulog. Bumuntonghininga siya saka bumangon. Mabuti na lang at ngayon pa lang magsisidatingan ang kasama niya sa kwarto kaya hindi nakita ng mga ito ang kanyang ginagawa sa buong magdamag.
Tinatamad siyang tumayo sabay silip sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw ngunit may naisip siyang gagawin. Kumuha siya ng gamit panligo at towel. Nagdala rin siya ng gunting at lumabas ng silid bago pumasok sa communal bathroom.
Humarap siya sa salamin at sinipat ang sarili. Mahaba na ang kanyang buhok. Kailangan niyang putulin ito. Naalala niya ang mukha ng kakambal sa post nito at naisip niyang gayahin ang haba ng buhok ng dalaga.
Satisfied with her creation, kaagad siyang naligo.
Gulat ang rumihestro sa mga kaklase ni Selestina pagpasok niya sa silid. Inilibot muna niya ang paningin sa paligid saka naglakad papalapit sa sariling upuan. Natigil ang ingay, nahinto ang tawanan at kulitan. Pawang nagtataka ang reaksyon ng karamihan. May iilang nakatuon sa cellphone at parang walang pakialam sa isa't isa.
Mangilan-ngilan ang parang nakakita ng multo nang mamataan siya. Tumikhim muna siya bago umupo. She slurped her lollipop while staying nonchalant. Sumandal siya at huminga ng malalim. Inayos niya ang kanyang maikling buhok. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi. Sigurado siyang magugulat si Irish kapag nakita siya. Magmumukha itong nakakita ng multo at talagang may plano siyang multuhin ito.
“Oh my God!”
“Kinilabutan ako, bes!”
“I know right?”
“It’s creepy!”
“Knowing the other girl is—”
“Don’t say it.”
“Ssh!”
Tss! Ano ba ang tingin ng mga ‘to sa ‘kin? Bingi?
Umiling siya sabay pikit ng kanyang mga mata. To know the reason behind her twins disappearance, she formed a plan in her head. Wala siyang planong makipagkita sa totoo niyang mga magulang kahit pa nalaman na niya ang totoo. She wants to remain hidden. She wants to remain a mystery. Ayaw niya ring komprontahin ng tuluyan ang inang si Cynthia. Inisip niya na may dahilan ang ina kung bakit umiiwas ito sa mga tanong niya. Irerespito niya ang desisyon nito. Total estranghero naman para sa kanya ang totoo niyang mga magulang, mas pipiliin niya ang kinagisnan niyang ina kaysa sa mga ito. Gusto lang niyang malaman kung nasaan ang kakambal niya.
Nakatingin siya ng diretso sa pisara habang nag-iisip. Kailangan niyang maging alisto dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kambal niya at kung bakit bigla na lang itong naglaho. Kumunot ang kanyang noo.
Marahil itinago ito ng magulang dahil kilalang tao ang mga Lim?
Napabuntonghininga siya.
Siguro?
“Hi, Sel—oh!” bulalas ng dalagang si Jordan nag mapansin ang bagong hitsura ni Selestina. Bigla itong natigilan at natutop ang labi. “Selestina? Ikaw ba ’yan?” hindi makapaniwala nitong tanong.
Nagkibit-balikat si Selestina. “Yes. Bakit ka nagtatanong?” seryoso niyang tanong.
Narinig niya itong napasinghap. “Whoa! Hindi yata maganda ang gising mo, ah,” pilit na tawa nitong sabi. “Ayos lang ‘yan. Need mo lang mag-relax.” Umupo sa sariling upuan ang dalaga.
Pinagmasdan ito ni Selestina. Para itong hindi mapakali. Hinayaan niya itong magdutdot nang magdutdot sa cellphone dahil pakiramdam ni Selestina ay hindi nito kayang tumingin sa kanya ngunit nagkakamali siya. Abala lang talaga si Jordan sa paglalaro ng c@ndy crush.
“Here. Tulungan mo ako rito dahil hindi ko kaya ‘to,” anang Jordan na hindi man lang tumitingin sa mga mata ni Selestina.
“Bakit ako?”
“Psh! Mas marunong ka nito. Nakita kitang naglalaro nito sa phone mo kaya huwag kang magmaang-maangan diyan,” diretso nitong sagot.
Wala siyang nagawa kaya tinulungan niya ito tawirin ang level ng laro. “Thank you! Sabi ko nga, eh. Magaling ka.”
“Tss. Ang galing mo ring mang-uto, ano?”
Tumawa si Jordan. “Thank you, my friend.”
My friend. Kaibigan nga ba kita?
Hindi niya napigilang itanong sa kanyang isipan na sa ganoong paraan lang pala ay pewede ka ng matawag na kaibigan. Natapos ang klase na hindi niya nakita si Irish. “Hey,” untag sa kanya ni Jordan habang pababa sila ng hagdan. Hindi niya ito nilingon. “May nakita akong house-for-rent. Baka sakaling may mahanap kang puwede kong maging roommate. Ayos lang sa akin kung ako ang taga-luto basta hati kami sa renta. I need a roommate as soon as possible.”
Natitigilan niya itong nilingon. “Magkano ba?”
“Five thousand a month. Kasali na ang tubig, kuryente, wi-fi.”
“Ang mahal naman,” reklamo niya.
“Girl, house ‘yon. At saka mas may privacy kaysa sa marami kang kasama na mga buraot naman. Ayaw ko ng kasamang tamad at hindi marunong maglinis,” nakangiwi pa na wika ng dalaga.
Tumango-tango si Selestina. “Sabagay. Ayos na rin kung ganoon.”
May plano na siya. Sabi nga nila, play na players. Lalaruin niya ang mga tao sa paligid niya. She needs to be vigilant. Kailangan niya ring maging alerto palagi dahil hindi niya alam kung sino ang mga kalaban.
“Maybe I’ll reconsider to be your roommate?” patanog na wika mi Selestina. Hindi siya sigurado kung kaya ba ng kanyang ina pero kailangan niyang gawin. Hindi siya makakakilos ng maayos kung sa dormitory pa rin siya titira. Maraming mga mata at tainga.
Kaagad na napatili ang dalagang si Jordan dahil sa sinabi ni Selestina. Para itong palaka na tumatalon dahil sa sobrang tuwa. “Talaga? Sige! Sasabihin ko na sa may-ari na may kasama na ako. May kontrata tayong pipirmahan para siguradong hindi ka tatakas. Ang may-ari ang nagsabi niyan, hindi ako.”
Pinanliitan niya ito ng mga mata. “Bakit ako lang ang lalayas? Hindi ba dapat tayong dalawa?”
“Siyempre hindi ko talaga isasali ang self ko,” tumatawa nitong sagot.
“B@liw.”
“Inlove lang, hehehe.”
“Huh?” hindi makapaniwala niyang sambit. “Ewan ko sa ‘yo. Mukha kang timang diyan sa ginagawa mo. Baka kako gusto mo ng roommate dahil may ginagawa kang kalokohan, ha. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin, mapupunit na ang labi mo kangingiti,” komento niya.
Hinampas siya nito sa balikat habang tumatawa. “Hoy! May makarinig pa sa ‘yo. Baka mamaya maniwala sila,” saway nito sa kanya. “Bawal bang kiligin, ha?” nandidilat nitong tanong.
“Bakit? May nakakakilig ba sa mukha ko?” seryoso ring taong ni Selestina.
“Pwe! Sino naman ang nagsabing kinikilig ako sa mukha mo? Gaga! Hindi tayo talo!” pasinghap nitong sagot kaya natawa siya nang bahagya.
“Tss. Malay ko ba na may lihim ka na pala na pagnanasa sa akin,” mayabang na saad ni Selestina.
“Ew! Yuck!”
“Wow, ha! Diring-diri,” nakangiwi niyang sabi. “Nababading ka na siguro,” komento niya.
“Pero hindi sa ‘yo, okay?”
“Whatever. Nagutom ako. Ang lala ng bunganga mo ngayon. May nakain ka bang maganda ngayong araw?” hindi mapigilang itanong ni Selestina.
”Oo. Mukha siyang lollipop,” sagot ng dalaga sabay hagikgik.
“Hoy! Bibig mo!”
“Hahaha!”
“God! So loud! Bakit ba hindi kayo roon sa labas magsigawan?” patanong na sigaw ng bagong dating na si Irish.
Nahinto sa paglalakad ang dalawa. Tinitigan ito ni Sel. “Tss. Bakit hindi ka sa labas sumigaw at magwala?” pang-iinis niyang tanong dito.
Napansin niyang natigilan ito sabay turo sa kanya. “Oh my god!”
“Bakit? Sasabihin mo na namang multo ako, impostor? Peke?” Humakbang siya papalapit sa dalaga. Napahakbang ito paatras. “Tama ka,” aniya sa nakakatakot na boses. “Multo ako.”
Mabilis pa sa kidlat itong naglakad papalayo hababg hawak-hawak ang ulo na parang nawawala sa sarili. “No! It can’t be!” rinig pa niyang bulalas ng dalaga.
“Psh! Ano ‘yon? Ano bang nangyari sa kanya?” parang walang pakialam na tanong ni Jordan. “Panira ng moment, ah. Kung maka-eksena kasehodang basta-basta,” reklamo pa ng dalaga.
“Hayaan mo na. Baka nakakain siya ng lollipop na maliit at maalat.”
“Hoy! Bibig mo,” saway sa kanya ni Jordan.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Ginagaya lang kita. Pinaparinig mo kasi ako. I’m a baby.” Napahagalpak ito ng tawa.
“Anyway, sure ka na lumipat? I can make a call sa may-ari,” saad ni Jordan.
Umiling si Sel. Hindi pa siya nagkapagpaalam sa kanyang ina. “Tawagan ko muna si Mama. Kailangan ko ng downpayment.”
“Sige. Ikaw ang bahala.”
Pumila sila sa cafeteria at parehong spaghetti ang napili nilang kainin. May nahagip ang paningin ni Selestina habang paupo. Si Third. Naglalakad ito habang seryosong nakatingin sa gawi nila. Inalis niya ang paningin sa binata at tiningnan ang kaibigang nagsimula ng kumain. Ibinalik niya ang paningin sa binata ngunit nawala na ito. Nakahinga siya ng maluwag.
Susubo na sana siya nang biglang may naglapag ng tray sa mesa nila. Nag-angat siya ng paningin. Nasulubong niya ang seryosong mukha ng binatang si Third.
“Oh?” nagugulat na turo ni Jordan sa binata sabay sulyap sa kanya.
Hindi makapagsalita si Selestina. Nagugulat niyang pinagmasdan ang binata habang prente itong umupo sa tabi niyang upuan. Ganoon na lang ang bilis ng kanyang paghinga nang may panibagong naglapag ng tray sa mesa nila. Si River, seryoso ang mukha nito ngunit parang nag-aalab ang buong paligid dahil sa presensya ng dalawa. May magaganap na labanan anumang oras dahil sa tensiyong namagitan sa dalawang binata.
Nagtatakang nagpalipat-lipat ng paningin si Jordan sa dalawang binata. “What now?” tanong niya na aniko ay may malaki siyang problema.
Tama ang kaibigan. Malaking problema ang dalawa. Umugong ang bulung-bulungan sa buong paligid. Hindi makakain ng maayos si Selestina. Napansin niyang naging tensyonado rin si Jordan. Hindi nagkibuan ang dalawang binata habang kumakain. Gusto na lang ni Selestina na lamunin siya ng lupa dahil hindi niya maintaindihan kung bakit nandito ang dalawang binata sa mesa nila.
"Ahm, why are you here?" lakas loob na tanong ni Selestina.
Nag-angat ng paningin sa kanya si River at ibinalik nito ang paningin sa pagkain bago sumagot. “To eat," deretso nitong tanong.
Napangiwi si Selestina. “And you?" baling niyang tanong kay Third.
“Ha? To eat?" patanong nitong sagot bago nagpatuloy sa pagkain.
Lalong napangiwi si Selestina. Inis niyang tinapos ang pagkain at mabilis na tumayo. Maging si Jordan ay ganoon din ang ginawa. Nagmamadali ang dalawang binata nang papalabas na ang dalawang dalaga sa cafeteria.
Tss. To eat nga ba? Talaga ba?