Chapter 63 Sabay na napalingon ang dalawang dalaga ng marinig ang pagbubukas ng pinto. Unang lumabas si River na nakasuot na ng puting t-shirt kasunod ang binatang si Third na bagong ligo. Kita na mukha nito ang pagka-fresh. Tumikhim si Jordan at palihim na sumulyap sa kaibigan na parang tuliro. Lihim siyang natawa. “Akala ko ba ay hindi ka kinakabahan? Iba na yata ‘yan, ah,” nanunukso niyang saad sa kasama. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Tigilan mo ako. Nako-conscious lang ako kasi hindi pa tayo nakapagpalit ng damit. Tss,” naiirita na sagot ni Selestina. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Jordan. “Sh*t na malagkit! Dapat pala umuwi muna tayo, di ba?” pabulong niyang tanong. “Bakit kasi hindi ka nag-isip? Paldong-paldo na sana tayo! Sh*t! Amoy pawis pa naman ako! N

