A Year Ago
MAAGANG nagising si Glenda. Nag inat ng kanyang braso habang nakaupo sa kanyang higaan na kahoy. Pupungas pungas ng kanyang mga mata na kinuha ang towel niya. Saka pumunta ng banyo para maligo. May pasok pa siya sa restaurant.
Simple lang ang buhay ng isang beinte tres anyos na si Glenda Cortez. Nagtatrabaho ang papa niya sa isang malaking talyer. Isang dating supervisor ang papa niya. Habang ang kanyang ina ay nasa bahay lamang.
Ang akala niyang perpektong ama ay biglang naglaho. Sa murang edad ay nasira ang pamilyang inaasahan niya. Ang masayang pamilya nila ay unti unting nawasak. Hanggang sa iniwan sila ng papa niya at sumama sa amo nitong babae. Ang dinig niya ay maganda ang buhay ng kanyang ama sa bago nitong asawa. Matagal na rin na itinatago nila ng babae niya ang anak nilang lalaki. Halos dalawang taon lang ang tanda niya sa edad nito.
Ang mama na lang niya ang kasama niya sa buhay. At mag isa niyang itinataguyod ang kanyang maysakit na ina. Maysakit sa baga ang mama niya. Sa mahal ng mga gamot at maintenance ay halos pabayaan na niya ang sarili. Mas importante ang mga gamot ng mama niya kesa sa kanyang pansariling kapritso. Hindi siya nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kakulangan sa pinansiyal. Kailangan niyang kumayod ng maaga para sa kanilang mag ina at para mabuhay. Walang ibang aasahan kun'di siya lang. 'Di na rin kaya ng kanyang mama ang magtrabaho dahil sa sakit.
Napansin si Glenda ng mama niya na papalapit. Ningitian siya agad nito.
"Anak, kumain ka na muna bago ka umalis," magiliw na aya ni Gina sa anak.
Ngumiti rin si Glenda sa ina at niyakap ito. Nang bumitaw ay iniharap niya ito sa kanya.
"Good morning po, mama," matamis na bati niya sa ina at hinalikan sa pisngi. "Sa restaurant na po ako kakain. Libre naman po ang pagkain namin doon para sa mga empleyado," magalang na sagot niya sa mama niya.
"Oh, siya. Kung hindi ka na papipigil. Basta mag iingat ka sa pagpasok sa trabaho," bilin na saad ni Gina.
"Iyong mga gamot niyo po. Huwag n'yo pong kalimutang inumin sa tamang oras. 'Wag din po kayong magpapagod dito sa pagtatrabaho sa loob ng bahay, mama. Ako na po ang bahalang gumawa pagkauwi ko galing sa trabaho."
Isa sa mga magandang katangian ni Glenda. Napakabait na anak. Mahal na mahal niya ang mama niya at hindi niya ito pinababayaan. Maswerte si Gina sa pagkakaroon ng isang anak na katulad ni Glenda sa buhay niya. Nalulungkot lang siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang itatagal niya sa mundo, kasama ang anak. Ayaw niyang iwan na mag isa si Glenda. Hindi na nila kasama ang ama nitong iniwan sila tapos iiwan din niya ang nag iisa niyang anak.
Sinusundan ng tingin ni Gina ang anak na pakanta kanta pa na lumalabas ng bahay. Agad niyang pinunasan ang mga luha niyang nagmalabis sa kanyang mga mata. Saka umupo at nagsimulang kumain.
Ligtas na nakarating ng restaurant si Glenda. Kabado siya dahil pang ilang trabaho na ba niya ito. Halos hindi na nga niya mabilang.
Agad siyang pumunta sa guard. "Magandang umaga po," masiglang bati niya. Ipinakita ang I.D. niya.
"Bago ka dito?" tanong 'nong guard sa kanya. Tumango lang si Glenda ng ulo. Saka pinapasok siya ng guwardiya at nagpunta sa time in machine nila.
Unang araw sa trabaho. Nakilala niya ang bagong kaibigan na si Cory. Katulad niya rin itong mahirap. Kaya mabilis na nakagaan niya ito ng loob.
"Cory, sabay tayo mamayang break," saad ni Glenda. Tipid na ngumiti si Cory at tumango ng ulo.
Naging masaya at magaan ang unang araw ni Glenda sa trabaho. Pauwi na siya ngayon. Naglalakad sa gilid nang daan. Nang bigla siyang napatigil sa paghinga.
"Potek!" malakas na sigaw niya. Natalsikan lang naman siya ng putik. At sa kanyang puting puti na uniform. Napakagat siya ng labi. Napatiim ng labi at nagngingitngit sa galit.
"Hoy! Walang hiya ka! Bumalik ka r'to!" malalakas na sigaw ni Glenda.
Ngunit walang narinig ang nagmamaneho ng itim na sports car. Isang mamahaling sasakyan na bugatti chiron. Ang nakita na lamang niya ay ang plate number nito, S.A. 3856367
"May araw ka rin sa akin! Tatandaan ko 'yang plate number mo. Magkikita rin tayo!" singhal ni Glenda habang sinusundan ng tanaw ang sasakyang ang palayo sa kanya. Napangiwi ng makita ang hitsura ng uniporme niya na puro putik. Marahas siyang bumuga ng hangin.
TUMAAS ang sulok ng labi ni Francis. Nakita niya na umaapoy sa galit ang babaeng hindi niya sinasadyang nasabuyan ng putik ang uniporme. 'Di niya nakitang may putik sa gilid ng daan. Napailing iling ng ulo si Francis.
"Poor lady, tskk...," usal niyang sambit. Saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
He is Francis Licauco, haft Chinese and haft Filipino. Twenty eight years old and a successful doctor. He's a OB Gyne specialist. Sinong mag aakala na ang isang hunk at guwapong lalaki ay nagpapaanak ng mga babae?
Nagring ang kanyang phone. Pinindot lang ang call at nai-loud speaker. Dahil may suot naman siya wireless headset.
"Hi, mom," bati ni Francis sa ina sa kabilang linya.
"Dito ka ba magdi-dinner, Francis?" tanong ng mommy niya sa kanya na si Mrs. Francine Licauco. Isang simpleng maybahay. Kinalimutan ang kanyang pagiging magaling na abugada. Pinili niyang pagsilbihan ang mga anak at asawa.
"I'm sorry, mom. I'm stuck in traffic. I don't know If I can make it. Besides, weekends tomorrow. Uuwi ako r'yan sa bahay and will stay for two days," narinig niya ang pagbuga ng hangin ng mommy niya sa kabilang linya.
"Alright. Uwi ka ng maaga bukas. I missed you so much, son," naglalambing na untag ng mommy niya.
"I will and I promised. Take care, mom. And give regards to daddy and Frisco," saad ni Francis sa ina.
"Take care too, son. Hihintayin kita bukas sa bahay. Don't forget your promise," paalam ni Francine sa anak. Saka pinatay ang tawag.
It's nine o'clock nang makauwi si Francis sa condo niya. Niluwagan niya ang tie at tinanggal. Pagkatapos isa, isang kinalag ang pagkakabutones ng kanyang polo. Nang mahubad ang polo ay isinunod niya ang kanyang slacks. Hinubad na rin ang kahulichulihang saplot niya sa katawan. Ang boxer shorts at brief at hubo't hubad na pumasok siya sa banyo para maligo. Wala namang makakakita sa kanya dahil siya lang mag isa ang nasa condo niya.
SAMANTALA, busangot ang mukha nang makauwi ng bahay si Glenda. Puro putik ang suot niyang puting uniform. Isusuot pa niya sana ito kinabukasan sa pagpasok sa trabaho. Mukhang mapipilitan siyang maglaba ng uniform niya mamayang pag uwi niya galing sa trabaho.
"Anak, anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" mga tanong ng mama niya. Inipit pa ang ilong para hindi maamoy ang masangsang na amoy ng damit ni Glenda. Katakot takot na kahihiyan ang inabot niya kanina. Naglakad siya na pauwi na ganoon ng itsura niya. Para siyang kalabaw na inulugbog sa putikan.
Nilapitan ni Glenda ang ina at nagmano. "Kasalanan po 'nong sira ang ulo na kaskaserong driver nang bugatti," iritadong sagot niya sa Mama niya.
"Bakit ang baho?" hindi mapigilan ni Gina ang mapahagikgik ng tawa.
Lalong sumimangot ang mukha ni Glenda. Pinagtatawanan siya ng mama niya. "Mama, naman po, e. Hiyang hiya na nga po ako kanina. Nakakainis po talaga! May tae pa po ata ng aso ang putik. Kaya napunta na ang amoy sa damit ko."
"Pasensiya na, anak. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong hindi tumawa. Tingnan mo kasi ang ayos mo," at mas lumakas pa na tumawa si Gina.
"Mama, naman," nagmamaktol na sabi ni Glenda.
"Sorry talaga. Sige na maligo ka muna. Tapos ibabad mo ang uniporme mo. Mamaya kukusutan ko na lang. Para may magamit ka bukas," paghingi ng paumanhin ni Teresa sa anak na nanghahaba ang nguso.
"Ako na po ang maglalaba, mama. Hayaan niyo na lang po," prisinta niya. "Maliligo lang po muna ako. Pagkatapos lalabahan ko na din po ang uniform ko."
"Oh, sige na. Maligo ka na. Grabe na ang amoy, Glenda," taboy ni Gina sa anak. Iniabot ni Glenda ang dala dalang ulam para sa kanilang mag ina. At tumalima papunta sa banyo.
Biglang napahawak si Gina sa kanyang dibdib. Kumirot ito ng hindi sa malamang kadahilanan. Binalewala ang nararamdaman at inayos ang pagkain nilang mag ina sa lamesa.
Nang matapos maligo si Glenda ay masayang nagkuwentuhan habang kumakain ang mag ina. Simple lamang ang buhay nila kahit sila lamang dalawa. Pero masaya pa rin sila.
******
"Woohh! Iyan! Sige pa!" mga malalakas na sigawan ang maririnig sa bar. Isang babaeng maganda ang hubog nang katawan ang nasa gitna ng dancefloor. Inari nito ang dancefloor at gumiling giling sa harapan ng mga lalaking hayok sa laman.
Inarkila ang buong bar para sa stag party ng kaibigan ni Francis na si Edmund. Ikakasal na ito bukas sa long time girlfriend niya.
Walang pakialam at may sariling mundo si Francis na panay ang lagok ng alak. "Pare, nagpapakalango ka ba?" tanong ni Edmund ng mapansin niyang nag iisa ang kaibigan na umiinom sa bar counter. Umiling ito ng ulo.
"Ikakasal ka na bukas. At last night mo na ito na magbar," tugon lamang na sagot ni Francis.
"You know how much I love Yelena. At hindi ko ipagpapalit si Yelena sa pagpunta sa bar o sa ibang mga babae," ani Edmund.
"Ang lakas, pare! Tutal ayaw mo na sa ibang mga babae. Baka puwedeng ibalato mo na sa akin 'yong chikas na 'yon" sabay diin na sabi ni Francis at itinuro ng tingin ang babae na nasa gitna ng dancefloor.
Napangisi si Edmund. "The girl is all yours. Go and grab it."
Napangisi ng malawak si Francis sa tinuran ng kanyang kaibigan. Muling itinuon ang tingin sa babaeng todo ang giling sa gitna ng dance floor. At saka lumagok ng alak sa bote.
Sakay sila Francis at si Macy ng kotse. Ang babaeng dapat sana ay regalo kay Edmund. Kaagad niyang niyaya ang babae na lumabas. At walang paljipot na pumayag naman ito.
Nakapulupot ang braso ni Francis sa beywang ni Macy. Proud na may malaking mga ngiti ang ibinibigay niya sa mga nakakasalubong nilang mga babae. Kasama niya si Dra. Francis Licauco, ang sikat na doktor.
Nasa elevator pa lang ay hindi na napigilan ni Macy na kabigin at siilin nang halik si Francis.
"Easy," pigil ni Francis kay Macy.
Napaangisi ito sa kanya. Dahil siguro sa tama nang alak kaya nagkaganito kawild si Macy.
"Babe, I want you now," bulong nito sa tenga ni Francis. Nagdulot iyon nang init sa kanyang katawan na pilit na binubuhay ang kanyang p*********i.
Hinapit ni Francis sa beywang si Macy at inilapit sa katawan niya. Naramdaman niyang ipinasok ni Macy ang kamay sa loob nang kanyang pantalon. Napaigtad siya nang maramdaman ang malambot na palad nito.
"s**t!" agad niyang hinawakan sa buhok si Macy at sinabasib nang halik sa labi. Naglulumikot ang kamay ni Macy sa loob nang pantalon niya. Sapo ang kanyang p*********i.
Dumapo ang kamay ni Francis sa dibdib ni Macy. Napasinghap ito nang sakupin nang buong palad ni Francis ang dibdib ng dalaga.
"Hmm...," takas na ungol ni Macy sa pagitan nang mga halik nila ni Francis.
Tumunog ang elevator magkahinang ang mga labi nila na lumabas sa loob ng elevator. Isa isa nang binubuksan ni Macy ang butones ng polo ni Francis. Habang si Francis at binubuksan ang pinto ng condo niya.
Pagkabukas ng pintuan ay isinandal ni Francis sa pader si Macy. Bumaba ang halik niya sa leeg nito at hinakawan ang strap ng bestida. Saka hinayaang inilaglag sa sahig.
Umatras siya para mahubad ang sapatos niya. And then he unbuckle his belt at ibinaba ang pantalon niya. Isinunod ang kanyang polo. Nalaglag sa sahig ang mga damit niya. Titig na titig si Macy sa katawan ni Francis. The perfect abs na akala mo inukit sa katawan nito. Francis smirked when their eyes met.
Muling nilapitan ni Francis si Macy. Biglang hinalikan sa labi. Naglumikot ang mga kamay niya kung saan saang bahagi ng katawan ni Macy dumadapo.