Chapter 2

1463 Words
Sumandal ako sa hamba ng pintuan ko. Habang nakikinig sa sermon ni father este Professor Greene sa apat na ngayon ay nakayuko lang at magkakahawak ang kamay.  Dumako ang tingin ko sa motor na ipinaayos sa akin. Gasgas na at basag ang mga flairings. Tumatagas rin ang langis at sa palagay ko ay paubos na iyon. Sayang kakabuhos ko lang kanina tapos itinapon lang. Tinanggal din nila ang sparkplug at ikinalat nalang sa sahig.  Napailing ako. What a childish act. Maninira nalang sobrang dali pang ayusin. Though it takes time to rebuild it again. Kakapa-kapain ulit kung saan designated ang mga turnilyo niyon. Lalo pa at old model ang sasakyan kaya hindi ko gaanong kabisado.  Ayon pa kay Prof dekada na iyon sa kaniya mula pa sa lolo at lola ng lolo niya. Pinaka-iniingatan pa naman tapos sinira lang nila.  "May idea ba kayo kung ilang dekada na iyan huh? Tell me how could you fix it now? Anim na buwan naming hinanapan iyan ng gamit tapos sinira niyo lang ng ilang oras? Four of you." Dinuro niya sila isa-isa. "I don't want to see your face in my class again. Clean that mess." Tumalikod na siya sa apat at ngayon ay nakaharap na siya sa akin.  His eyes is telling me something kaya napaatras ako. I hit someone so I looked back. Nakasunod pa rin pala ang mokong.  "Sorry..." I said sarcastically. "Rhianna, please..." Professor Greene suddenly voice out. Itinaas ko ang dalawang kamay ko na ani mo'y sumusuko. "I know you can do it yourself, Professor G. Im off." Inilabas ko na ang flying hover board ko pero siyempre hindi ko ipapakita sa kaniyang lumilipad iyon tanging ang similarities lang nito sa skateboard ang ibibida ko.  "See you on Monday, Professor Greene." Ngiting-ngiti akong kumaway sa nakangangang guro ko habang nakasakay sa pink violet kong hover board.  Tiyak na gigisahin na naman ako niyon next meeting.  Nang makalabas ako ng building ay agad kong binitbit ang hover board and I tossed it. Naging maliit iyon kaya naman mabilis kong sinambot. Muli kong in-activate ang facemask ko but this time it's color black. Isinuot ko na rin ang hood ng jacket ko at ipinasok sa bulsa nito ang dalawang kamay ko.  Nakayuko lang akong naglalakad sa kalsada. Iilan-ilan lang ang mga taong nakakasalubong ko. Bibihira lang naman kasi ang gumagawi sa lugar na ito dahil sa nagkalat ang mga guar. Ang hirap pa naman nila kausapin— I mean mayroon friendly, pero madalang lang silang makita dahil madalas strikto ang pinapalabas ng Council. Kailangan ding mataas ang IQ mo tuwing kausap sila dahil hindi mawala-wala ang definition ng bawat words exept sa friendly guar.  Pero kahanga-hanga ang pagkagawa sa kanila kung hindi lamang dahil sa galaw nila at itsura ay malamang aakalain mong taong nagcostume lang kaysa robot dahil marunong silang makihalubilo.  Pero bukod doon ay hindi pa rin maiwasang iwasan sila ng mga tao dahil sa dami ng naka-install na detector sa katawan nila. Once pa naman na may na-violate ka sa batas ay agad kang dadakpin para kausapin sa paunang warning na inaabot ng ilang araw na session.   Binilisan ko na ang paglakad ko para maabutan ko ang train papuntang Lipisanpi. Malapit na ako sa abangan ng maramdaman kong umangat ang paa ko mula sa marmol na daan. Ganoon din ang paghigpit ng yakap nang jacket ko.  "You're about to enter the Station 1. Train will arrived 1 hour from now. But, you are not allowed to enter."  Sa boses palang ay alam ko ng isang guar ang may pakana ng pagkakabitin ko ngayon. I guess this is not so good.  "Why not?" Simpleng tanong ko. Bakit naging bawal bigla? Did I violate their rules? "You have no guardian. Under age is not allowed." Ibinaba niya ako kaya hinarap ko siya. May baril siyang color white and black ang kulay, nakakaakit ang ganda ng bagay na iyon pero nakamamatay rin.  Agad kong inilislis ang jacket ko sa kanang parte. Pinindot ko ang button sa relong suot ko at kusa ng lumabas ang identity ko.  "You need to upgrade some of your parts. I just had my birthday yesterday, so I'm in legal age now. See yah, my friend." Kinindatan ko ang robot bago tumalikod na sa kaniya. I'm lucky, it's a friendly one. "I'll take that as an advice. Take this as my gift. Happy Birthday." Lumingon ako at napa-O shape agad ang labi ko nang makitang may hawak siya square shape na regalo. Agad kong kinuha iyon. Cool. "Thank you for this cutie gift of yours, Rainy."  Sa head part nila nakalagay ang number nila at sa chest part naman ang pangalan nila. Nakakulay green iyon kaya no sign of danger. "You are welcome. Take care." Tumango ako ng ngiting-ngiti. Nauna na siyang tumalikod at naglakad paalis. Kaya tumalikod na rin ako upang ipagpatuloy ang pagpasok ko dahil paratingin na ang tren. One thing I like in them is, they are considerate. How I hope it won't change as time pass by.  Nakangiti akong sumakay sa tren at agad umupo sa tabing bintana. Free na free pa ang katabing upuan ko ibig sabihin ay kaunti palang ang pauwi ng Lipisanpi at maghihintay pa ng ilang oras ang train na ito bago umalis. Four hours ang estimated kong itatagal ng biyahe, hindi pa kasama itong paghihintay ng pasahero. Lipisanpi is a small province, may haka-haka pang Pilipinas daw ang pangalan noon ng lugar. Who knows about the fact? It was made hundred decades. I look up to see the sky. Maganda siya kung hindi lang may kung anong biglang dadaan na halos hindi na ma-determine dahil sa bilis. Kaya mas gusto ko mag tren e. Mas okey na rin ito kaysa naman magtaxi ako. Hindi nakakatuwa ang pagpapalipad nila, akala mo mauubusan ng costumer kung magfull speed.  Binuksan ko ang regalo ni Rainy. Isa iyong cupcake. Yummy! Kung bakit kasi ang mahal nito e. 100per para lang sa maliit na 'to? No, thanks. That was equivalent of two pieces iron for my project. "Uhm. Hi miss, can I sit here." Tanong ng baritonong boses. It's kinda familiar pero hindi ko nalang pinansin, tumango ako bilang pagtugon sa lalaki. My eyes were glued on the cupcake. Honestly, I don't wanna eat this. Super ganda niya at hindi nakakasawang tignan.  "Hindi mo mauubos 'yan sa tingin lang." Komento ng katabi ko kaya nilingon ko siya.  Napataas ang kilay ko. "Are you following me, Mister?"  "Why would I?" Taka niyang sambit at kunot noong humarap sa akin.  I hissed. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa bintana. Wala namang magandang tanawin pero pwede ng pagtyagaan. Thanks to the sky, kahit papaano ay may maganda pa ring nakikita dahil nakakasawa na ang puro makina kahit saan ka lumingon ay puro malalaking makinarya.  "I'm Prickster James, from Alpha team. Again, sorry for bumping you." Tumingin ako sa mga kamay niya, he want me to shake hands with him? Nagkibit balikat nalang ako, wala namang masama makipagbati besides he's from the Alpha maraming benefits pag may isa kang kaibigan sa team, sabi nila. Inabot ko ang kamay niya. "Rhianna Franklin."  Agad ko ring inalis iyon matapos kong makipag-shake hands ng hindi tatagal sa tatlong segundo. "It suits you," bigla pang sabi niya. Woah that was shocking to hear from a jerk like him. Lalo na at hindi rin ako sanay na pinupuri. I don't know what to say, but ayaw ko ring ipahalata ito. "I know." Mayabang na lang na sagot ko, dahil ayaw ko rin ng awkward atmosphere sa byahe lalo na't mukhang matatagalan pang mapuno ang tren at idagdag mo pa ang apat na oras na byahe. "You're really amusing huh," nakangising sambit ng katabi ko. Ayan na naman siya, I really don't know how to respond with such conversation. He just make me feel want to cut that sugar-coated tounge of him para manahimik na siya. But still mabait pa rin naman ako kahit papaano. I'll just let him live until he felt like it. Ngumiti na lamang ako bilang tugon sa pamumuri niya. Inikot ko ang bilog kong hikaw at hinila iyon tsaka ko isinalpak sa tenga ko ang mga earbuds niyon. NARAMDAMAN ko ang pagkatok sa librong nakatakip sa mukha ko. "Nandito na tayo," rinig kong sabi ng baritonong boses kasabay nun ay ang yapak na papalayo mula sa kinaroroonan ko. Agad kong inayos ang sarili ko bago lumabas ng tren. Di ko na rin nakita yung mayabang na katabi ko kanina, bakit ko nga pala hinahanap yung mokong na 'yon? Bahala siya sa buhay niya. Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa b****a ng village ng pupuntahan kong lugar. Private village kasi 'yon kaya hindi rin pwedeng pumasok ang mga taxi o ano pa mang public vehicles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD