Ako ang nakatoka ngayon sa pagluluto kaya maaga akong bumangon. Pagpasok ko pa lang ng kwarto kahapon ay hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Makalat at punong-puno ng mga kung ano-ano. "Mom, doon ka muna sa kwarto ni Daddy. Malapit na rin kaming matapos. Kami na rin bahala maglinis dito." Kakabukas ko lang nang pinto no'n at iyon agad ang ibinungad ni Jon. Si Tantan naman ay hindi ako pinansin. As usual, he is wearing his goggle and lab gown. I was about to step forward, but Jon shouted. "Stop there Mom. May maliliit na nakakalat diyan baka maapakan mo. Sorry but you are not allowed to enter your room, Mommy. Tell us your need and we will get it for you." Napakamot ako ng aking ulo. Dapat na ba akong bumili ng kwarto o bagong anak? My Perseians! Hindi ka masanay na ang Prickster

