"Ready?" tanong ng dalawang lalaki sa kanila. Pareho na nilang kapit ang gate upang buksan iyon. iyon ang gate na ni minsan ay hindi pa nila nabubuksan. Nagkatinginan si Rhianna at Laira at parehong tumango. Binalingan nila si Hira na ngayon ay nasa kanilang likuran. Siya ang magiging backup ng dalawa dahil sa mas gamay niya ang long range attacking. Pagbukas na pagbukas palang ng gate ay agad na silang tumakbo papasok. Mabilis namang isinara ng dalawang lalaki ang gate. May kabigatan iyon kaya sila lang ang pwedeng humawak roon. "What the hell is this place?" bulalas ni Laira. Iniluhod niya ang isang tuhod sa mga nagbeberdehang zoysia grass. Nakakunot ang noo niyang hinawakan iyon. "Who knows?" Nagkibit-balikat si Rhianna habang inililibot ang tingin sa paligid. hindi ganoong kalawak

