Chapter 36 - First Step

1076 Words
Umiiling kaming lumabas ni Prickster mula sa opisina ng design and structure team ng ACMIDELU Land. Supposedly, 250,000 per lang ang magagastos namin pero dahil doble iyon we have no choice. Nagkasagutan pa kami na pwede naman naming i-cancel ang ipinadala ni Hira or sabihing pagkakamali lang ang lahat. Ang kaso tumanggi siya. Buong-buo pa sa isip ko ang sinabi niya kanina. "You may cancel it now but the reputation of your so called training center will be affected. You choose." "Whatever. Reputation my ass!" Umirap ako dahil sa frustration na nararamdaman ko. I'll note to myself next time that I should not inform Hira. Umangkas ulit ako kay Prickster sa motor. Swerte ko rin pala kahit papaano sa lalaking ito. Hindi pa man siya pumayag sa inialok ko sa kaniyang maging isa sa mga trainer pero heto siya tumutulong at sinusuportahan kami. Pagdating namin sa lugar ay nandoon na rin si Laira. She has a device that clean and polish the place. Saktong kakatapos niya lang sa ginagawa niya nang makarating kami. Binigyan niya kami ng thumbs up. Tumango ako at nginitian siya. "Salamat!" Kakaiba rin ito sa mga bababeng nakasalamuha ko. Para ba kaming magkakilala na ng matagal kahit ang totoo ay kanina lang naman kami nagkakilala at hindi rin kami ganoong nagkakausap. I hate to admit it but yeah she is cooler than me. Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagvibrate ng inaapakan kong sahig. Lumingon ako at doon ko nakita ang paparating na mga makina. Iyon na ang mga nirentahan namin. Naiabot naman na namin ang disenyo kanina pagkatapos ng deal. Malamang ay nai-program na nila iyon sa mga mga makinang ito. Tumabi kami nang makarating ito sa harapan namin. Iniangat ko lang ang glass card na hawak ko at may dumaan doon kulay green na ilaw. Matapos niyon ay dumiretso na sila sa mga pwesto niya. Habang kami ay naupo na lang muna sa isang tabi at pinanood sila. "Laira, anong expertise mo when it comes to weapon?" tanong ko habang nag-iinat ng braso. "Making and setting up bombs, darting, and physical combat. Why?" sagot niya bago lumingon sa akin. Wow! That was cool! Iilan lang ang marunong sa ganoong bagay. Mas nasanay na kasi ang lahat sa robot ang po-protekta sa kanila. We like inventing things that save our life and I'm one of those. "That's cool! Gusto mo bang maging trainer?" tanong ko. Sana lang um-oo siya. I badly need her talent. Maalam man ako sa eksperto niya pero at least I can rely on her dahil gamay niya na iyon. Alam niya na ang mga precautions, dos and don'ts. Bukod pa roon ay matagal na akong hindi nakakagawa niyon. I'm afraid baka pumalya na ako sa susunod. "Ano namang makukuha ko rito?" aniya bago tumingin sa portable laptop niya. Swabe talaga kumilos ng babaeng 'to. Para siyang lalaki. "Alam kong alam mo na," ani ko bago tumingin sa mga makinang patuloy na ang pagtrabaho. "Nice. As I expected but sige, payag ako. I like your idea, napaka-bayani." Tumingin siya sa akin at ngumit. "Please don't misinterpret what I said.I just can't find the most nicer word." "It's okay. Naiintidinan ko naman ang nais mo." Tumingala ako at tinignan ang mga nagkikintabang mga bagay. Mayroong may kulay na red o blue at madalas naman ay white. "We just lost a big amount today..." Nakapikit na bulalas ko. Naramdaman kong may humila sa ulo ko pakanan at naramdaman ko nalang ang matigas na bagay sa bahaging iyon ng ulo ko. Dahilan ng pagmulat ko pero hindi ako gumalaw o umalis sa pagkakasandal sa kaniya. I need this, aarte pa ba ako. "Mabilis mo lang namang maipon iyon. Just take care of your health." Madali ngang maipon, kaso ganoon din kadali ang buhay. Napansin ko ang pagngiwi ni Laira habang nakatingin sa amin. Malamang iniisip nitong may relasyon kami nitong lalaking sinasandalan ko ngayon. Iniwas na lang niya ang tingin sa aming dalawa at tumingin sa hawak niyang physical phone. Mas mabuti pa nga na maglaro nalang muna siya. MATAPOS ang ilang oras ay mag-uumaga na. Saktong kakahinto lang din ng mga makina. May nagpop-up sa harap ko ang isang mensahe. Sinasabi nitong mamayang gabi nalang ulit ikakabit ang karugtong niyon kung saan iyon ay isang babasaging salamin. Half-half lang ang nasa plano at naisagawa naman iyon ng maayos ng makina. "We still have time to prepare the office. Four thirty palang naman at ang sabi ni Hira ay ten' o clock ang inilagay niyang opening. We can rest a bit pagkatapos dito," mahabang litanya ni Laira at nauna ng tumayo para tunguhin ang pinaka-gitna ng lugar. Sumunod naman kami ni Prickster. Kulay white na dingding at ang kulay ng ilaw ay kulay kahel. I like the ambiance. "Okay na pala rito eh. Iwan ko nalang si Mr. Organizer at siya na muna ang bahala rito." Itinuro ni Laira ang isang robot na ang taas ay hanggang tuhod ko lang. Nagulat ako nang bigla itong naging flat na bilog. "Cleaner mode." Napataas ang kilay ko nang magsalita iyon at umikot na sa lugar. Bawat madadaanan niya ay nagiging sobrang linis. "I like that robot of yours," ngiti kong bulalas. Kumindat sa akin si Laira bago kami tuluyang umalis ng lugar. "How come na nadala mo rito ang robot na iyon?" tanong ko sa kasabay kong si Laira. Tahimik lang din naman si Prickster na naglalakad kasabay namin. Malamig na mainit ang umaga. Medyo may kadiliman pa rin dahil alas singko y media palang. Marami pa ang bukas na ilaw sa paligid Tahimik rin at sa tantiya ko ay nasa mahimbing pa rin na tulog ang mga tao ngayon. Bagay na mas maganda dahil makakaiwas kami sa anumang aberya. Pagod at puyat ang pareho naming nararamdaman sa mga oras na ito. Si Hira ang naiwan sa bahay kasama ang dalawang bata. Hindi na siya pinasama pa ni Laira dahil baka kung ano na naman ang gawin nito bagay na iniiwasan muna nila. Pagkarating palang nila sa harap ng pinto nang bumukas iyon at nakangiting inilahad ang palad papasok. May nakahanda na rin na pagkain sa lamesa: Cake and chicken soup na may macaroni. Sa halip na magpahinga ay nagsikain muna kami. Pare-pareho kaming na-satisfy sa sarap ng init na hatid nang soup sa aming lalamunan. Buti naman nagluto siya. Grabeng pagod ang nangyari kahapon at ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD