Tumalikod na kami sa kaniya at lumabas na ng lugar. May iilan na nakatingin sa amin dahil kalalabas lang namin ng gate. Ito ang unang beses na may lumabas sa mansion at bukod pa roon ay agaw attention talaga ang palasyo. DUMIRETSO na lang kami sa grocery store sa lugar. Paubos na ang stock namin na dapat ay para sa isang buwan dahil lagi silang nakikikain sa bahay. Kahit naman hindi mo sila imbatahan ay lagi silang nandiyan. Sumusulpot na lang bigla. Ang gusto pa nga nila ay maglagay na ng sarili nilang kwarto doon at palakihin lalo ang bahay, bagay na hindi ko pinayagan. Hello, paano ang privacy namin? May paraan nga kami sa spy camera, sa kanila naman wala? No way! Wala akong tiwala sa topak ni Prickster. Madalas malandi, pero madalas tahimik. Hindi ko alam kung naiilang ba o

