"Grabe biglang naging lively ang palasyo niyo oh." Inginuso ni Hira ang nasa harapan naming kastilyo.
Kung dati ay para iyong slaughtery ngayon ay parang biglang binalutan ng kapangyarihan. I know it's sound over acting but the color radiating in every corner of that place is just so amazing.
Nagkalat ang Cyan, Pink, Blue, and more. Mas naging superior ang dating niya. Even I am one of the owner of that castle makes me think that the person living in that house is super powerful. Less the expectation that I am one of the owner of it.
Ilang buwan din naming hindi pinasok ang palasyo. No, I mean since the day we receive the key. We never gotten into it, because we want a normal life.
But now, we have no choice. Kailangan namin ang kapangyarihan para sa ikabubuti ng lugar namin. I can't do the mission unless I am convince that the people here will be safe even without us.
We are ruler of this place. Nakalagay iyon sa system kaya't kilala kami sa buong lugar.
"Tell others that we have meeting in our house. I have plan now." Utos ko kay Hira tsaka nagpasyang pumasok sa loob ng palasyo.
Naramdaman ko ang pagsunod niya. Kaya hinayaan ko na lang. About her portable computer, it is fine now. I fix it for 12 hours. The technique they use is mine kaya madali ko lang nadecode lahat ng harang.
I don't know how they got that system but one thing is for sure. They trespass on my house. Mabuti na lang naitago ko na ang iba pa, tsk. Magtataka pa ba ako? Malamang kagagawan iyon ng magaling na ama ni Clarissa— speaking of that b***h. Good for her dahil siya na ang umiwas. I have not seen her for two weeks or three?
"Sinabi kong mamayang gabi ang meeting. Sakto raw para doon na rin sila mag-dinner." Tumawa siya ng alanganin habang nagkakamot ng batok.
Kunot-noo akong huminto. "Sinong paglulutuin mo?" sarkastiko kong tanong.
Inilibot ko ang tingin sa sala. Isang tipikal na pangmayaman pero ang kaibahan mas lamang ang pagiging technology atmosphere nang lugar.
Ang mga upuan ay may blue light sa ilalim and there's a platform sa kaliwang banda na may liwanag naman ng cyan.
Pabilog lugar na iyon at para siyang sasakyan either pataas o pababa.
"Welcome home, Master Rhianna."
Napaatras kami sa gulat nang may sumulpot na babae sa harapan namin. Asul ang mata niya at mahaba ang buhok.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at sa tingin ko ay ganoon din ang ginawa ni Hira. Naka-maid uniform siya. Dress and headband. Ang buhok niya ay may highlight ng pink. May earphone din sa kanang tenga niya.
Hindi siya tao kundi isang Robot? Ibig sabihin sila ang mananatili dito para sa kaayusan ng lugar. Nagkatitigan kami at nakita ko ang pagtakbo ng mga binary number sa mata niya.
Tumango ako at umayos ng tayo. "Nice to meet you..." tinaasan ko siya ng dalawang kilay.
"Give me a name, Master Rhianna."
"Riri!" sigaw ni Hira na parang walang katabi. Aish! Nagbigay ako ng distansya sa pagitan namin.
Baka masira na ang tenga ko kung hindi pa ako lalayo. Riri? Not bad. Pwede na iyon para madaling matandaan. Tumango ako at muling bumaling sa robot.
"Your name will be Riri." Iniyuko niya ang ulo niya.
Tumalikod na ako sa kaniya at pumunta sa bilog na platform. It is made of steel. Marahas na napahawak sa braso ko si Hira. Tinignan ko lang ang kamay niya sa braso ko. Nang mapansin niya iyon ay agad siyang bumitaw at inayos ang pagbalanse sa katawan habang paakyat ang sinasakyan namin.
"Ang ganda dito!"
Napailing na lang ako at hindi siya pinansin. The wall was stainless steel but I am not sure if it is pure. The picture frame, chandelier, even some part of the wall was shining because of the gold part.
Nang makarating kami sa second floor nang lugar. Naroon naman ang violet lights.
Lumakad pa kami ng kaunti sa hallway ng lugar. Marami ang pinto roon and I think its the room. Binuksan ko ang dulong pinto sa pasilyo. Mas malaki ang part na iyon kaysa sa iba.
"Woah! Master bedroom!" nauna pang pumasok doon si Hira at agad umupo sa kulay puting kama. Hindi pa siya nakuntento at lumundag-lundag pa ro'n.
Aish! This woman really act like a kid. Mas mature pa sa kaniya kumilos ngayon si Jonathan.
Inaya ko ulit si Hira. "Tara sa third floor. Bumaba ka dyan kung ayaw mong bigla na lang may bumaril sa iyo."
Sinenyasan ko si Riri na ibaba ang hawak niyang black and pink hand gun. Naramdaman ko ang paghawak ni Hira sa damit ko habang nagtatago sa likod ko.
"Gumawa ka pa ng bagay na ikasasama mo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila palampas kay Riri.
"She's my colleague. You have nothing to worry about."
Dumiretso kami sa third floor. This time nasa loob na ng kwarto ang elevator. Kung kanina ay walang glass cover ngayon ay mayro'n na.
Nakarating kami sa gitna ng isang kwarto kung saan punong-puno ng machine. May iba't ibang uri rin ng liquid na naka-hilera sa gilid. May mga tube din kung saan pwede ilagay ang subject.
A scientist and technology laboratory. Malapad ang lugar at may tatlong section. Sa gitna ang pinakamalapad at sa kanan naman ang para sa sceince laboratory. May glass wall iyon at nakabukas lang siya ngayon kaya inakala naming isang buong room lang ang lugar. Sa kaliwa naman ang technology laboratory kung saan mas marami ang makikitang machine.
"Sure kayong ayaw niyo tumira rito?" bulalas ni Hira habang isa-isang nilalapitan ang mga gamit.
Umiling ako sa kaniya. There's a lot of possibility we need to consider. Kailangan munang pag-isipan ng mabuti. I like the place but not the idea of there is someone always watching your back.
Matapos namin magpasikot-sikot sa lugar ay bumaba na kami. Masyadong malaki ang bahay o mas tamang tawaging castle.
"Riri, we will visit again tommorow or on the next day or week. Ikaw na muna bahala rito."
Tumango siya. "Yes, Master Rhianna." Iniyuko niya ng kaunti ang ulo niya. Tumalikod na kami sa kaniya at lumabas na ng lugar.
May iilan na nakatingin sa amin dahil kalalabas lang namin ng gate. Ito ang unang beses na may lumabas sa mansion at bukod pa roon ay agaw attention talaga ang palasyo.
DUMIRETSO na lang kami sa grocery store sa lugar. Paubos na ang stock namin na dapat ay para sa isang buwan dahil lagi silang nakikikain sa bahay.
Kahit naman hindi mo sila imbatahan ay lagi silang nandiyan. Sumusulpot na lang bigla.
Ang gusto pa nga nila ay maglagay na ng sarili nilang kwarto doon at palakihin lalo ang bahay, bagay na hindi ko pinayagan.
Hello, paano ang privacy namin? May paraan nga kami sa spy camera, sa kanila naman wala? No way!
Wala akong tiwala sa topak ni Prickster. Madalas malandi, pero madalas tahimik. Hindi ko alam kung naiilang ba o tamad lang talaga siya. Siguro inilalaan niya ang boses niya sa pagdaldal at pang-aasar sa akin.
"Kuha ba ako ng inumin?" Napalingon ako kay Hira nang magsalita siya. Hawak niya ang mga beer in can. Tumango na lang ako at muling tumingin sa mga biscuit.
Sa ilang buwan na namin dito, ay ngayon lang ako nag-grocery. Si Prickster lagi ang naka-toka rito.
"Milk for kids." Nilagay ni Hira ang gatas sa shopping cart at ngumiti sa akin. Maging ang paglagay niya ng mga chocolates and candy sa kaniyang bag.
"Woah. Cool! Mas gumanda ang system nila ngayon! Pansin mo?" tanong ni Hira habang nakatingin sa portable wallet niya.
Kumuha pa siya ng spicy noodles at inilagy sa portable bag niya habang ang dalawang mata ay nasa wallet pa rin niya.
"What do you mean?" tanong ko habang nakataas ang kanang kilay ko sa pagtataka. Inginuso niya ang wrist niya.
"Oras na pinasok mo na ang grocery mo sa bag, automatic ng ibabawas iyon sa wallet mo."
Napatango-tango ako at tinignan ang mga nakuha ko. Ang kaibahan namin kumuha ako ng basket. Hindi tulad niya na deretso sa kaniyang bag ang mga pinamimili niya. Naglagay ako iba pang groceries sa basket while monitoring my portable or electronic wallet, at tama nga siya it's automatically deducted in our per.
"Kumusta na kaya sila Mommy?" biglang tanong ni Hira habang nakatingin sa hawak na tinapay at pesto paste.
Sumagi rin sa isip ko si Mr. Smith, my Dad. May katandaan na pa naman iyon at bukod pa roon ay namimiss ko na rin ang luto niyang carbonara.
Kumuha na lang ako ng noodles at sauce niyon at muling tumingin pa ng ibang pwedeng bilhin. Hangga't maaari ay ayaw ko mag-isip ng mga ganoon. This world doesn't know the word privacy. Parating ang gusto lang ng lahat ay magkaroon ng perpektong pag-iisip, pag-uugali at higit sa lahat ang pagkakaroon ng perpektong pisikal na kaanyuan at walang hanggang buhay.
There is no bad in fantasizing, what bad or worse in it is it drives the person lost their mind.