“List every Vanderbilt with access to legacy routes, private estate history, or historical staff rotations.” Pagkasabi ni Vincent no’n, parang lumiit ang silid. Hindi literal. Pero iyong bigat ng pangalan, sapat para maramdaman ni Kleo sa balat. Vanderbilt. Ibang klaseng problema na iyon. Hindi na outsider na sumusubok lang pumasok. Hindi na errand boy na may sulat. Hindi na token sa greenhouse o note sa pinto. Ito na iyong klase ng gulo na nasa loob na ng apelyido. At base sa mukha ni Vincent, matagal na nitong alam na darating din sila sa puntong ito—ayaw lang niyang doon mapunta agad. Khalid rubbed a hand over his face. “Hindi ko kabisado lahat.” “Then start with the ones who matter,” sabi ni Vincent. “Mas madaling sabihin kaysa gawin.” “Too bad.” Kleo folded her arms tig

