Vincent Thor Vanderbilt (Victor) Isinara ko ang pinto ng study room nang dahan-dahan—hindi dahil may tao sa labas na kailangan kong hindi marinig, kundi dahil ayokong marinig ang sarili kong paghinga. Ang villa ni Kianna, kahit gaano kaganda, may kakaibang katahimikan kapag gabi. Yung waterfalls sa malayo parang metronome na hindi mo mapipigilan—ragasa, bagsak, ragasa, bagsak—paulit-ulit na parang sinasabi: tuloy pa rin. Sa mesa ko, nakapatong ang phone. Naka-open ang notification: Results available. Hindi ko pa rin binubuksan. Hindi dahil hindi ko kaya. Kaya ko. Pero hindi ko kontrolado ang magiging epekto pagkatapos. At sa mundo ko, bihira akong kumabog nang ganito—yung tipong kahit hindi ka tumatakbo, parang hinihingal ka. Huminga ako nang malalim, saka ko pinindot. Lumabas

