Ysabelle Cuevas (Ysa) Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid—at dahil sa lawak nito, mas lalo kong naramdaman ang pag-iisa. Parang ang laki-laki ng espasyo… pero wala akong mapaglagyan ng bigat na dala ko. Mabango. Malinis. Tahimik. Yung klase ng kwarto na parang hindi dapat pinapasok ng taong kagaya ko—taong sanay sa siksik na lugar, sa lumang kutson, sa ingay ng kapitbahay, sa boses ni Tiya na laging may reklamo. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa malaking bintana. Doon ko napansin na may terrace pala. Parang may humihila sa’kin palabas—hindi dahil gusto kong lumabas, kundi dahil gusto kong makahinga. Binuksan ko ang salamin, at lumabas. Humampas agad sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Naramdaman ko ang panlalamig sa braso ko, pero hindi ako umatras. Para siyang yakap

