Ang north receiving room ay iyong klaseng lugar na puwedeng daanan ng isang tao araw-araw nang hindi iniisip na may silbi pa pala. Lumang silid. Mataas ang kisame. Maputlang dingding. Isang mahabang receiving desk na makintab pa rin kahit halatang hindi na ginagamit sa totoong salubong. Sa gilid, may dalawang glass cabinet na puno ng lumang registry books, ribbons, old visiting cards, at kung anu-ano pang bagay na mukhang walang kuwenta hangga’t hindi mo nalalamang minsan, ang buong kasinungalingan ng isang pamilya kayang magtago sa isang pahina lang. At sa gitna ng room, sadyang iniwan ni Steven ang tatlong guest books sa mesa. Hindi nakaayos nang perpekto. Sakto lang. Iyong tipong puwedeng isipin ng kung sinong mausisa na may nag-uumpisang maglinis pero hindi pa tapos. Trap. Ma

