Parang biglang humina ang tunog ng buong Founders Court. Hindi naman talaga. Umaagos pa rin ang tubig sa hagdan. Naroon pa rin ang mahina at mahal na tugtugin sa gilid. Kumikislap pa rin ang ilaw sa mga baso at kubyertos. Pero sa loob ng dibdib ng lahat ng tao sa mesa, iisa lang ang narinig— “Because I sent one before.” Nanatiling nakatayo si Mirelle Duran sa gilid ng pavilion, tuwid ang likod, maayos ang ayos ng buhok, at hawak ang katahimikan na parang matagal na niya itong ginagawa. Si Vincent, isang hakbang lang ang pagitan sa kanya, hindi kumukurap. “Anong ibig mong sabihin sa one before?” tanong niya. Mababa ang boses niya. Mas mapanganib. Hindi sumagot agad si Mirelle. Tumingin muna siya sa mesa. Kay Vivian. Kay Lucien. Kay Kleo. Then back to Vincent. “I sent a war

