Hindi ako nakatulog agad. Kahit tahimik ang villa, kahit steady ang tunog ng talon sa labas, kahit mainit ang kumot—may isang salita sa ulo ko na paulit-ulit, parang sirang plaka na ayaw tumigil. Vivian. Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa rin ang mga daliri ko kahit wala naman akong hawak. Hindi ko alam kung bakit biglang parang hindi ako kasya sa sarili kong balat. “Ate…” mahinang tawag ni Kianna sa’kin, nasa tabi siya ng kama, nakaupo sa gilid na parang bantay na ayaw umalis. Hindi niya ako tinanong kung okay lang ako. Parang alam niyang walang sense. “Kaya mo ’to,” dagdag niya, mas mababa ang boses, mas totoo. “Hindi ko alam kung ano ‘yung Vivian na ‘yan, pero hindi ka nag-iisa.” Gusto kong tumango. Gusto kong maniwala. Pero may parte sa’kin na gusto na lang maging hangi

