Hindi ko alam kung bakit mas mabigat sa dibdib ang isang missed call kaysa sa mismong sigaw. Siguro dahil kapag sigaw, alam mong galit. Pero kapag “Are you okay?” na galing sa taong kayang umalis nang walang lingon—doon ka natatakot umasa. Kaya kahit nanginginig pa rin yung kamay ko sa gilid ng phone, hindi ko siya hinawakan ulit. Inilapag ko siya sa desk, katabi ng temp access card, tapos umupo ako sa kama na parang may invisible na linya sa pagitan namin. Parang kapag nilapitan ko yung phone, babalik ako sa dati. Yung babaeng kaya magsinungaling sa sarili basta hindi maiwan. Huminga ako. Isa. Dalawa. Tatlo. At kahit mahina lang, sinabi ko sa sarili ko: “Hindi ngayon.” — Sa baba, may mahinang kaluskos sa hallway. Hindi siya yung normal na tunog ng bahay na may mga tao. Mas

