Ysabelle Cuevas (Ysa) Nagising ako na parang may kulang. Hindi sa kumot, hindi sa kama—kasi sobrang lambot at sobrang bango pa rin ng kwarto ni Kianna. Ang kulang… yung pakiramdam na dapat kong maramdaman na “safe” na ako. Pero bakit parang may nakadagan pa rin sa dibdib ko? Siguro dahil sa mga pangalan. Mia. Lucien. At yung boses ni Lucien kagabi sa tawag—galit, mabigat, parang kaya niyang sunugin lahat para lang sa isang tao. At ako? Nasa kabilang linya. Tahimik. Parang extra sa eksenang hindi ko naman pinili. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang bumangon. Kumirot ang tuhod ko, pero mas manageable na ngayon. Maayos ang bandage—malinis, pantay, parang ginawa ng taong sanay mag-alaga. Si Steven. Sa isip ko, naalala ko yung sinabi niya kagabi. “Hindi mo kailangang masanay.”

