Ysabelle Cuevas (Ysa) Nagising ako bago pa tuluyang sumikat ang araw. Hindi dahil may alarm—wala naman akong alarm—kundi dahil parang may nakatutok na kaba sa dibdib ko na ayaw akong patulugin nang mahaba. Yung klase ng kaba na hindi mo maipaliwanag kung saan galing, pero alam mong nandiyan. Kumilos ako nang dahan-dahan sa kama. Malambot. Malinis. Ang bango ng pillowcase. Parang bawat hibla ng tela, nagre-remind sa’kin na wala ako sa dating buhay ko. Wala ako sa bahay nina Tiya. Wala rin ako sa villa ni Lucien kung saan lagi akong kinakabahan na baka biglang bumukas ang pinto at may sumigaw na “ano na naman ‘yan?” Dito sa villa ni Kianna… tahimik. Pero yung tahimik na hindi nakakatakot. Tahimik na parang may choice ka kung kailan ka magsasalita at kailan ka hihinga. Bumangon ako at l

