THIRD PERSON POV Tahimik ang hallway sa ikalawang palapag ng hotel na iyon. Ang bawat hakbang ng babae ay may sariling ritmo sa carpeted floor. Sa kanyang puso ay sabay niyang nararamdaman ang kasabikan at pagkabahala. Alam niyang hindi dapat siya naroon sa lugar na iyon ngunit nais niyang pagbigyan ang kanyang sarili na makasama ang lalaking matagal nang hindi nakikita. Ang lalaking matagal na niyang hindi nakakaulayaw. Nang pumasok siya sa loob ng isang kwarto gamit ang hawak na hotel key card ay agad na sumalubong sa kanya ang lamig ng air conditioner sa loob ng malawak na silid. Ngunit kahit anong lamig ng paligid ay hindi nakatulong para humupa ang init na nararamdaman ng kanyang katawan. Ang liwanag mula sa city skyline ay tumatagos sa malaking bintana ng kwarto at bumabag

