Macky Nasaktan ako ng sobra nang mabasa ang sulat ni April sa akin. Nasaktan ako dahil nasaktan ko sya ng labis. Sa tagal naming magkasama ay binulag ko sya ng kasinungalingan. Nagpanggap akong mahal ko sya upang makalimutan ko ang dinanas na sakit ng puso ko sa mga kamay ni Kate noon. Sobrang hirap magpaalam sa taong lagi nang nariyan para sayo. Sobrang hirap din nito para sa akin. Hindi ko sinasadyang saktan sya. Nasa may veranda ng palasyo si Kate, nakatanaw sa napakagandang view ng Luxembourg City. Lumapit ako sa kanya. Kinulong ko sya sa mga bisig ko. Pinupog ko ng halik ang kanyang leeg at pisngi. Mas tunay talaga ang kaligayahan ng puso ko kapag si Kate ang kayakap ko. Mas doble ang pintig ng puso ko kapag sya ang hinahalikan ko. "Ay sobra na yan Macky Peniss ah!" Sab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


