Marikit Isang buong lingo akong tuliro at hindi mapalagay. Labag sa loob ko ang pagbalik sa Luxembourg. Ayoko na talagang bumalik pa doon. Pero wala na akong magagawa. Sakay na kami ng eroplano ni Macky. Ilang minuto na lang ay lalapag na ang eroplano sa Luxembourg. Syet! Baka naging sikat ako sa bansang ito. Ako lang naman yung babaeng umurong sa kasal ng kanilang mahal na Prinsepe. Nanginginig ang buo kong katawan habang sakay ako ng eroplano. “Are you alright?” tanong ni Macky Paglingon ko sa kanya ay hindi naman sya nakatingin sa akin. Mistula syang nakamasid sa kawalan. Nararamdaman kaya nya ang matinding kaba ng puso ko? “O-oo naman. Ayos lang ako” Sagot ko, pero may panginginig sa boses ko. At nang lumapag ang eroplano sa airport ay para akong hihimatayin sa tako

