Chapter 2

2365 Words
Pinark ni Kuya Migz ang motor nya sa tabi ng mga naggagandahang sasakyan ng mga estudyante. Napukaw ng isang napakagarang kotse ang atensyon ko. Nilapitan ko ito at tinignan ang sarili ko sa reflection ng salamin. Sobrang ganda! Nang kotse at ako! I gigled! Pangarap kong makasakay sa ganito kagarang kotse. Habang inaayos ko ang buhok ko at nakatingin sa tinted na salamin ng bintana ay nagulat na lamang ako nang bumukas ang pinto. Syet! May tao pala sa loob! Napanganga ako dahil sa taong bumaba mula sa kotse. Inaayos ko ang buhok ko at hindi pinahalata na napahiya ako. Bumaba sa kotse ang isang napakagandang babae. Pero mas maganda pa rin ako sa kanya. Napalunok ako dahil nakaarko ang mga kilay nya sa akin. Hilaw syang ngumiti sa akin at pinagekis nya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Nakasukbit din sa kanya ang mamahaling louis vuitton bag. "It seems you enjoyed staring yourself at my car huh?" Mataray na sabi nya. Napaangat ang ulo ko at matapang ko syang hinarap. Pinagekis ko din ang mga braso ko sa aking dibdib. At inarkuhan ko din sya ng kilay. "Yes I am obsessed with looking at myself in the mirror. Kung ganito ba naman kaganda ang nakikita mo ay hindi ka ba mababaliw?" Sabi ko sa kanya sabay hawi ng buhok ko at ginalaw galaw ang balikat ko. Sya naman ang napalunok sa sinabi ko at tinitigan nya ang kagandahan ko. Akala nya siguro, sya ang pinakamaganda sa University? Well, nagkakamali sya, dahil ako ang pinakamaganda sa University. Ako lang at wala nang iba! Tinitigan kong mabuti ang mukha nya partikular ang kanyang mga mata. Alam kong nailang sya sa ginawa ko. "W-what?" Sabi nya sa akin Ngumiti ako sa kanya. "Ohh. I love your contact lenses. Anong color nyan?" Sabi ko with my devil smile Mas umarko pa ang kilay nya sa akin at inilapit nya ang mukha ko para makita ang suot nyang contact lense. "It's romantic blue from the most expensive brands of contact lenses, Acuvue Vita!" Pagmamalaki nya. Nagdoble ang kurap ng mata nya at alam kong pinapainggit nya ang mamahaling brand ng contact lense nya. "Oh how about you? I hope you also choose the best brand. Hindi yung kung saan lang galing." Sabi nya. Ngumiti ako sa kanya at tinaas ko ang kaliwang kilay sa kanya. "Sorry. I don't need to wear contact lenses, because my eyes are naturally colored blue!" Sabi ko. Pilya akong ngumiti sa kanya at tuwang tuwa ako sa reaksyon nya. Namilog ang mata nya at napaawang pa ang bibig ng marinig ang sinabi ko. Ngayon alam na nya kung sino talaga ang mas maganda. Dahil ang kagandahan ko ay natural. Hindi kagaya nya, na puro make up ang mukha at nakacontact lense pa para masabi mong maganda. Tse! "Hoy kuting, hanapin mo na ang room nyo at baka ma-late ka pa!" Si kuya Migz Namula ang pisngi ko sa hiya. Tinawag ako ni kuya na kuting sa harapan ng mayabang na babae na to?? "Oh. Bye kuting!" Pang-aasar ng maarteng babae. Pero nang tignan ko sya ay hindi na nawala ang tingin nya sa kuya Migz ko. Aba!!! Nagpapacute sya sa kuya ko?? "Hi!" Bati ng babae kay kuya Migz. Tinignan lang sya ni Kuya. Pero hindi man lang sya binigyan ng ngiti o pansin ni Kuya Migz. Parang nalaglag ang balikat ng maarteng babae na ito nang maDedma zone sya ni Kuya. Sorry sya! Kung kay kuya Leighton nya ginawa ang pagpapacute nya ay baka patusin pa sya nito. Pero kay Kuya Migz?? Naku sarado na ang puso nyan! "Bye! Dedma zone!" Pang-aasar ko sa babae. Iniwan na namin ang babae na halata ko pa rin ang inis at galit sa akin. Akala nya siguro magpapatalo ako sa kanya? Mayaman lang sya, at alam ko balang araw magiging mayaman rin ako at mabibili lahat ng gusto ko. Balang araw.. Agad ko namang nahanap ang room ko. Sinilip ko muna ito bago ako pumasok. Napakagulo nila. Para pa ring mga highschool ang mga classmate ko. Ang iba ay sa lamesa nakaupo habang masayang nagtatawanan. Habang ang ibang mga babae ay nagkukwentuhan sa mga silya nila. Inayos ko ang sarili ko at dahan dahan akong pumasok. Ohhh. Alam ko naman na ikagugulat nila ang kagandahan kong malayong malayo sa kanila. Pagpasok ko ng room ay natahimik sila. Napangiti ako dahil kabisado ko nang mangyayari talaga ito. Lahat ng mata nila ay napako sa akin. Ano? ngayon lang ba sila nakakita ng ganito kaganda? Para akong modelo na naglalakad sa harapan nila. Hinawi ko pa ang buhok ko habang naghahanap ng silya. Nasaksihan ko ang pagbilog ng mga bibig ng classmate kong lalaki na kanina lang ay busy sa pakikipagharutan. "Ohh! Wow! Kung ganito ba naman kaganda ang classmate natin talagang sisipagin ako!" Narinig kong sabi ng isa. Tiningnan ko lang sya at nginitian. Para syang natunaw sa ginawa ko. Sige lang. Magpantasya lang kayo hanggat gusto nyo. Sanay na sanay na ako sa ganyan. Umupo ako sa bakanteng silya katabi ng isang babae. Nakipagkaibigan ako sa kanya. "Hi! I'm kate." Pagpapakilala ko. Mabait naman sya sa tingin ko, ngumiti sya sa akin at nakipagkamay. "Hi! I'm Lea!" Sabi nya Gusto ko syang maging kaibigan. Tahimik lang sya at sobrang simple. Kumaway naman sa akin at nakipagkaibigan din ang katabi pa nyang babae. Siguro ay matagal na silang magkakilala dahil sa tipo ng pag-uusap nila at mga galawan nila na hindi naiilang sa isa't isa. "Hello! I'm Trisha! You're so pretty naman!" Sabi ni Trisha Ohh! Mukhang mas magugustuhan ko si Trisha. Prangka sya at totoong tao. "Thank you.." kunwari nahihiya kong tugon sa sinabi nya. Sus! Sanay na sanay na ako sa mga ganyang compliments! Wala na bang bago? Kinuha ko ang aking mirror sa bag at agad na tinignan ang itsura ko. Baka kasi may nagbago. Pero pagtingin ko sa salamin wala naman pala. Maganda pa rin at mas lalo pang nadadagdagan ang karisma ko. Haha! Maya maya lang ay narinig ko na naman ang mga classmate naming mga lalaki na humihiyaw at parang tuwang tuwa.. "Ohh! Isa pa to! Kung ganito ba lahat ng babae dito araw araw papasok talaga ako!" Sigaw ng isa Napaarko ang kilay ko. At sino naman ang pinagkakaguluhan nila bukod sa akin?? Pagtingin ko sa harapan.. Syet!!! Si ateng dedma zone kanina?? Naghahanap sya ng mauupuan. My gad!! Classmate ko pa talaga sya?? Saka bakit ba sya pinupuri ng mga lokong to, eh hindi naman sya ganun kaganda! Tse! Nagtama ang mga mata namin. Nagpataasan kami ng mga kilay. I hate her!!! Hindi ang kagaya nya ang makakapantay sa ganda ko! Parang may bolang apoy sa pagitan namin habang nagtititigan kami. Habang paupo sya sa kanyang silya ay hindi pa rin nawawala ang mga tingin namin sa isat isa. Tse! Maya maya lang ay parang tumigil ang mundo nang pumasok ang isang lalaki... Namilog ang mata ko. Napakatangkad nya. Malaki ang pangangatawan nya gaya ng mga kuya ko. Ang buhok nya ay may pagkablonde. Ang tangos ng ilong nya, kulay asul din ang mga mata nya? Teka nakacontact lense din ba sya? May manipis syang mga labi na pagkapula pula. Alam kong natural ang mga iyon. Ang buong awra nya ang nagpabilis sa t***k ng puso ko. Syet?? Ngayon ko lang ito naramdaman buong buhay ko. Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala sya ng tingin. Hindi maalis ang mga mata ko sa kanya. Lalo akong nagulat nang mapatingin sya sa akin. May bakante pa kasing silya sa tabi ko. Omg!!! Tatabihan ba nya ako? Nagagandahan siguro sya sa akin kaya balak nyang tumabi. "Ayy! Sobrang gwapo naman nya! Grabehh!" Narinig kong sabi ni Trisha. Kilig na kilig si Trisha sa lalaking pumasok sa room namin. Pero mas lalo kong kinagulat nang nilampasan nya ang silya sa tabi ko at naupo sya sa tabi ni Ateng dedma zone na GGSS (gandang ganda sa sarili) Napakagat labi ako. Pumikit ako at umiling iling! OMG?? Crush ko ba sya?? Hindi maari! Sya ang dapat magkagusto sa akin. Napalunok ako at kumuha na lang ng libro para basahin. Naiinis din ako dahil tumabi sya kay Ateng dedma zone. Nakakainis! Pero di ko alam kung bakit ako naiinis. Palihim ko pa silang sinilip. Syet! Masaya na silang nagkukwentuhan!!! "Gwapo nya di ba??" Si Lea na nahuli akong nakasulyap sa classmate naming bagong dating. Napalunok muli ako at kunwari ay dedmatology sa sinsabi nya. "Sakto lang. Di naman ganun kagwapo. Mas gwapo pa jan yung tatlong kuya ko. Eto oh tignan nyo!" Pagmamayabang ko sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ko sa kanila ang mga kuya ko na ubod ng gwapo. Napahawak sa dibdib si Trisha. "Grabe! Ang gagwapo ng kuya mo! Saka kuya mo pala yung nasa shampoo commercial. Ayyy!" Kilig na kilig si Trisha. Masaya kaming nagkwentuhan ng tungkol sa pamilya namin at sandali kong nakalimutan ang dalawang nakakainis sa gilid ko. Tse! Kahit magsama pa kayo wala akong pakialam! Maya maya lang ay pumasok na ang Prof namin. Natahimik ang klase ng pumasok ang isang matandang lalaki. Tinignan kami ng Prof namin na para bang inuusisa kami isa isa. "Okay class. please arrange yourselves according to your surnames! Dito sa harapan ang mga letter A." Utos nito Whattt?? Para naman kaming highschool nito. At pagdating sa ayusan ng apelyido ay nababadtrip na ako. Ihahanda ko na ang sarili ko sa katatawanan. Okay! Kanya kanya nang tanungan ang mga classmate ko. Syet talaga! Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko! "Anong surname mo Kate?" Tanong nila Trisha at Lea Napangiwi ako sa kanila. "Ah!! Ehh! Kayo ba ano ang surname nyo?" Pagabalik ko ng tanong sa kanila. "Mendoza.." si Lea "Castro.." si Trisha Hilaw akong ngumiti sa kanila.. "Ah sige. Ask nio nalang yung ibang classmates natin. I'm sure hindi tayo magkakatabi!" Sabi ko.. Ngumiti lang din sila sa akin at agad na nagtanong sa iba. Halos lahat ay nakaupo na. Samantalang ako ay hindi pa rin nagsasalita sa tuwing tatanungin nila ako. "Katindig ang surname ko!" Narinig kong sabi ni Ateng dedma zone Syet na malupit talaga! Magiging seatmates ko pa yata sya. Lumapit na ako sa kanya dahil ako na lang ang nakatayo. Tinignan ako ni dedma zone. "Oh bakit andito ka? Anong surname mo?" Tanong nya sa akin na tinatarayan pa rin ako. Naupo ako sa tabi nya na nakaarko din ang kilay ko. "Wag ka nang magtanong. Basta magkatabi tayo!" Sabi ko. Ramdam ko na naman ang apoy sa pagitan namin. Magiging kalbaryo pa yata ang subject na ito para sa akin dahil katabi ko ang nakakainis kong kaklase! Yung kaklase kong feeling maganda kahit hindi naman. Hindi pa rin kami maawat sa pag-iirapan. Hanggang sa mag-umpisa nang magpakilala kami sa isa isa. Syet! Ito talaga ang ayaw ko sa lahat! Habang papalapit na sa akin ay Kinakabahan ako! Nang magsalita ang katabi ko.. "Hi everyone I am April Katindig 18 years old..." Agad na nakagawa ng tawanan ang mga kakalase kong ang peperfect. "Ang ganda ganda mo, ang baho ng pangalan mo!" Sabi ng isa kong classmate na bully. My gad. Nagsisimula na sila. "Quiet!" Sigaw ng prof namin. Nang matapos si April ay kampante syang naupo sa silya nya at hindi nya ininda ang tawanan ng buong klase sa kanya. Aba! Hindi ako magpapatalo sa kanya! Relax lang kate! Relax! Agad na akong tumayo sa harapan. Nagsigawan ang mga bully kong kaklase. "Yan ang inaantay ko!" Sigaw pa ng isa Sa di sinasadyang pagkakataon ay bigla akong napatingin sa classmate kong may asul na mata. Yung nagpakalabog ng puso ko kanina. Nakaramdam tuloy ako ng kaba kasi tinititigan nya ako! Syet naman oh! "Ah.. I'm Kate Ramos 18 years old.." hindi pa nga tapos ang sinasabi ko ay umepal na si April. "Ramos ang surname mo? Then you are not supposed to sit beside me right? Do you really know the english alphabet???" Pagtataray ni April Nagtawanan ang buong klase at sumang-ayon kay April. Bakit nga ba ako tumabi sa kanya eh letter K ang surname nya. Nakita kong tumingin ang Prof namin sa index card na hawak nya at doon nya nakita ang real name ko. At katapusan ko na!!! "Magpakilala ka sa iyong totoong pangalan hija!" Sabi ni Prof Napakagat labi ako at humugot ng lakas ng loob. Kaya ko to! Sanay na sanay na din naman akong pinagtatawanan ang pangalan ko. "Okay!! Ako si Marikit Ramos... ah. Eh... Kantout.." sabi ko. Saglit na natahimik ang buong klase. At maya maya lang ay nakagawa na sila ng ingay at nagtawanan. Nakita ko pang lihim na tumatawa ang Prof namin. Syet!!! "Wow men!!! Ito na ang pinakamalupit na apelyidong narinig ko!" Sabi pa ng isa At lahat sila ay humahalakhak sa harapan ko. Pahiyang pahiya na ako! "Ano ngayon kung ang sagwa ng apelyido ko. Basta maganda ako!!! Salamat!" Sabi ko sabay upo sa silya ko. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa sinabi ko. Pero I'm sure hindi sila makakamove on sa surname ko. Pag-upo ko sa tabi ni April ay tinatawanan nya ako. "I thought, I have the worst surname, pero may tumalo sa akin.. nakakatawa ang apelyido mo Girl. Kung ako yan hindi na ako mag-aaral eh!" Pang-aasar nito Nag-make face ako sa kanya at hindi ko na sya pinansin pa!! Medyo nawala na ang pambubully nila sa akin ng magpakilala ang iba pa naming classmate. Pero muli na namang kumalabog ang puso ko nang magsalita ang lalaking may asul na mata. Syet! Bakit ba ang likot ng puso ko?? Lalo na nang magsalita sya. He has an appealing voice that catches my heart! Syet! Ayoko ng ganito! "My name is Makisig Peniss, 18 years old.." OMG!!! Magkaparehas kaming may mabaho at nakakatawang apelyido? I can't believe?? Syet talaga. Nag-umpisa na namang magtawanan ang klase. At kasunod nun ay idinikit na nila ang pangalan ko sa kanya. "Bagay na bagay sila oh.. Kantout- Peniss!" Sigaw pa ng isa. Tawang tawa ang buong klase. Habang ako ay gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko! Sa tuwing titingin ako kay Makisig ay parang wala lang sa kanya ang lahat! I hate him!!. Peniss?? Bakit ka pa dumating sa buhay ko??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD