Chapter 26

2195 Words

Marikit Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit na lamang. Sobrang sakit sa mata ang liwanag na nagmumula sa kotse ni Macky. Niyakap ko na lamang ang aking sarili na binabalot na ng matinding takot! Anong balak ng nagmamaneho? Balak ba nya akong patayin? Unti unting animo'y bumagal ang oras. Pigil ang hininga ko at parang hinihintay ko na lang na tamaan ang aking katawan ng malaking sasakyan na iyon. Nang biglang... Isang mahigpit na yakap ang aking naramdaman. Mabilis nya akong hinablot paalis sa aking kinatatayuan. Naramdaman kong bumagsak kami sa may damuhan na malapit sa bakanteng loteng aking kinatatayuan. At ang sasakyan ni Macky ay malakas na bumangga sa may pader katabi ng bakanteng lote. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko! Bigla na lamang akong napahagulgol ng iyak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD