Marikit Malalim na buntong hininga ang aking nasaksihan kay Tita Maya. Hinihintay ko pa rin ang sagot nila kung nasaan ang mahal na Prinsepe at si Papa. Nasilayan ko ang magandang ngiti ni Tita Maya. Yung mga ngiti na nagpapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa. “Ah! Hindi naman dito nakatira ang Papa mo mahal na Prinsesa, dumadalaw lang sya dito. A-Ang Prinsepe naman ay may inayos na mga papeles at kailangan nyang magpunta ng Germany. H-Hindi na nga sya nagpaalam sa iyo dahil sa sobrang pagmamadali.” Sabi ni Tita na tila ba lagi na lamang may kaba sa kanyang mga salita. Tumango lang ako kay Tita. Wala pala ang aking Prinsepe sa palasyo. Sobrang busy pala nya. Paano pa kaya kung naging Hari na sya? At si Papa naman ay hindi pala dito nakatira. Akala ko ay kinupkop na sya ng Hari

