Macky Oh God! Bakit hindi na mawala si Kate sa isip ko? Simula nung halikan ko sya nung pageant, mistula bang may pumitik sa puso ko. Sobrang kakaiba ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot ako! Baka imbes na sya ang mahulog sa akin ay ako pala ang mahulog sa sarili kong patibong. Hindi naman kasi sya mahirap magustuhan. Oo, napakaarte nya, pero sobrang lambing at mapagmahal sya sa kanyang pamilya. At yun ang isa sa mga katangiang gustong gusto ko. “Kamusta Macky? Bumibigay na ba sayo ang anak ni William?” biglang tanong ni Mama Kausap ko palagi si Mama sa Video call at sa totoo lang, miss na miss ko na sila. Napabuntong hininga lang ako sa mga tanong nya sa akin. Bakit ba kasi kailangan ko pa itong gawin? “Hintayin na lang natin, nililigawan ko pa eh!” sagot ko na lang

