Chapter 46 Marikit Inilihis ko ang aking tingin sa kanila at kunwari'y nagpaka-abala na lang ako sa mga folder na nasa aking harapan. Kunwari ay hindi ko sila naririnig. Kunwari ay hindi ko sila nakikita. Pero yung sakit at hinagpis ng puso ko ay hindi na maalis pa. Pakiramdam ko ay mananatili ito dito sa puso ko ng matagal. O baka hindi na nga lumisan ang sakit na ’to sa puso ko. “Nice to see you again Kate! See you around!” pagpapaalam sa akin ni April Tumango lang ako sa kanila. Pero hindi ko sinasadyang makita ang magkahawak nilang kamay. Sobrang higpit ng hawak ni Macky sa mga kamay ni April. Sobrang higpit na para bang ayaw na nyang pakawalan ang babaeng ito. Dinig na dinig ko din ang mga hagikgikan nila habang papasok sila sa loob ng opisina ng Presidente. Halos habul

