Marikit Nawalan na ako ng pag-asa. Marahil nga ay nakalimutan na ako ni Macky. Marahil nga ay hindi na ako ang mahal nya. Baka nga may iba nang itinururing na Prinsesa ang puso nya. Umuwe ako sa bahay bitbit ang sugatan kong puso. Nagkulong ako sa kwarto dala ang labis na sakit ng katotohanang hindi na ako ang mahal nya. Ilang linggo ang lumipas ay napagdesisyunan kong mag-apply ng trabaho. Kailangan kong tumulong kila Mama at Papa para masuklian naman ang lahat ng pagmamahal nila sa akin. Pumili ako kahapon ng mga formal attire mula sa ukay shop ni Mama. Pati sapatos ay doon ko kinuha. Hindi na ako naging maarte pa dahil wala pa naman akong pera. Wala pa akong sariling pera sa ngayon. Ayoko namang laging humingi sa mga kapatid ko dahil dapat ay tumayo na ako sa sarili kong mga paa

