KABANATA 1

2241 Words
"Jasmine saan ka?"tanong ni Diana na humahangos palapit sa akin. Siya ang matalik kong kaibigan,mula elementarya kami hanggang ngayong fourth year ng highschool ay magkaklase kami. "Uuwi na.Ikaw saan ka ba galing ? Kanina pa ako naghahanap sayo" Halos libutin ko na ang campus sa naghahanap sa kaniya dito lang pala siya. "Mamaya na tayo umuwi"nag-aalalang aniya,halata din ang takot sa mukha. Napakunot naman ang noo ko. Anong problema nito? "Ano? Bakit? Baka gabihin tayo sa daan"sunod-sunod na sabi ko. Nag-aalala itong tumingin sa akin. "Nasa gate si Arnaldo inaabangan ka.Mukhang gaganti sayo" Ang tinutukoy nitong Arnaldo ay ang hari ng mga bully sa kanilang paaralan.Malakas ang loob nitong mambully dahil isang guro ang ina nito. Kanina kasi hindi na ako nakapagtimpi pa kaya pinatulan ko na rin.Punong-puno na rin ako sa kaniya,kadalasan ako ang napagtritripan niya.Mula kasi ng isumbong ko siyang nangungudigo ayun hindi na niya ako nilulubayan.Ilang beses na rin akong umiyak dahil sa pambubully niya.Sukdulan na ang pagtitimpi ko sa kaniya kaya lumaban na rin ako. Masaya akong nanonood ng basketball kanina sa field ng bigla akong bulungan ng kaklase ko na may naninilip daw.Kaagad akong lumingon at kitang kita ko si Arnaldo na nakangiting aso.Suot niya ang mamahaling sapatos na may nakataling salamin sa ibabaw at nakatapat iyon sa ilalim ng palda ko. Pinamulahan ako dahil sa hiya.Puti ang doble kung shorts at mayroon akong dalaw ngayon.Paano kong may tagos ako at ipagsigawan niya iyon. Sa galit at inis ko ay hinabol ko siya.Paikot ikot kami sa field hanggang sa natyempo na tumama ang bola malapit sa akin.Hindi ako nagdalawang isip na pulutin iyon at gamit ang lahat ng lakas ko ay ibinato ko iyon sa kaniya sakto namang sa mukha niya iyon tumama kaya na out of balance siya.Pinagtawanan siya ng mga naroroon at kinantyawan ng 'weak'.Dahil sa pagkapahiya ay umalis itong galit at nagbabanta. Desidido pala talaga siyang gumanti sa akin! "Hindi ko siya uurungan , hindi na ako takot sa kaniya"matapang na sabi ko. "Kaye naman!"saway nito. "Huwag kang mag-alala sa akin kaya ko ang sarili ko.Umuna kana para hindi kana madamay pa"pagtataboy ko sa kaniya.Uwian naman na at sigurado akong marami siyang makakasabay. "Ano! Nababaliw ka na ba Kaye!Hindi ako uuna sasamahan kita kahit pa mamatay ako sa takot" Napangiti ako.Kailanman hindi ako nito iniwan,parang magkapatid na ang turing namin sa isa't isa.Kadalasan gave and take kami. Sabay kaming lumakad papuntang gate.Sa totoo lang natatakot ako dahil hindi ako sigurado kong sapat ba ang kaalaman ko sa taekwondo para takasan si Arnaldo. Wala rin kaming masyadong kasabay dahil iyong iba nagmamadaling una o di kaya binabagalan ang lakad para mapanatili ang distansiya,takot na baka madamay. Malayo palang kami ay tanaw ko na si Arnaldo at ang tatlo pa niyang barkada na nakatayo sa gate.Sa itsura nito talagang galit na galit ito,nanlilisik ang mga mata at nakapaskil sa labi nito ang nakakakilabot na ngiti. Hindi ako nagpakita ng takot.Matapang akong naglakad para lamapasan sila pero kaagad na hinaklit nito ang braso ko kasabay naman nun ang malakas na pagtili ni Diana. Akmang sasampalin niya ako ng biglang may pumigil.Isang maputi at payat na kamay ang pumigil.Mas lalong nag-alab ang mga mata ni Arnaldo sa galit. "Huwag kang mangialam dito payat!"galit na aniya ni Arnaldo.Tumawa naman ang mga kasama niya. Mabilis ang naging pangyayari.Ang sumunod ay rambolan na ang nasa harapan ko.Apat laban sa isa,payat pa. Ano bang nasa isip niya? Napaawang ang labi ko ng sa huli ay nagwagi ang payat na binata .Napakamapanghusga ko naman pala.Ang tagapagtanggol ko ay hindi ako iniwan kahit pa ipinatawag kami sa principal's office.Balak sanang ipatawag ang mga magulang namin ngunit nakiusap na huwag na.Nung una ayaw pumayag pero nagpumilit kami at sinabing mag-aayos ayos na kami.Ayaw pa sanang pakumbensi nung una pero dahil nakipagcooperate si Arnaldo at ang barkada niya,dahil din sa nanay niyang guro kaya pakumbensi din ang admin sa huli. "Juancho ayos lang ba?" Tanong ni Diana pagkalabas namin ng principal's office. Lumapit pa siya sa binata.Akmang hahawakan niya ito sa pisnge kung saan may kaunting galos ng bigla nitong ilihis ang mukha sa deriksyon ko,nahihiya.Nag-iwas ako ng tingin. "Ayos lang ako"malamig nitong aniya at lumakad paalis,kaagad naman itong hinabol ni Diana at paulit-ulit na nagpasalamat. Wala sa sariling humabol ako sa kanila.Pinipilit naman nitong si Diana ang binata na gamutin ang putok nitong labi ngunit mariin ang pagtanggi nito.May panaka-naka rin itong tumingin sa gawi ko,para bang naiilang siya sa akin kaya umiiwas na ako ng tingin. "Hindi na nga."tangi nito at tumingin na naman sa gawi ko. Ano ba 'tong lalaki? Bakit pa siya nahihiya sa akin.Wala naman akong pake! "Si Jasmine Kaye nalang ang asikasuhin mo" pagkasabi nito niyon ay walang lingon-likod itong tumalilis palayo sa kanila. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng banggitin niya ang buong pangalan ko. Paano niya 'yon nalaman? Kaagad akong lumapit kay Diana na tulala pa sa ere "Sino 'yun?"tanong ko. Ngayon ko lang ito nakita sa paaralan.Halos lahat ng studyante kilala ko, Siguro bagong lipat lang ' 'yun.Bakit niya alam ang pangalan ko? Sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi "Siya si Juancho Michael,ang bagong kapit-bahay namin"tila kinikilig nitong sagot. Kumunot ang noo ko "Bakit niya alam ang pangalan ko?"puno ng pagtatakang tanong ko. "Hoy!don't get me wrong huh!" matigas na ingles niyang aniya. "Kaya ka lang niya nakilala dahil itinanong niya sa akin minsan.Palagi ka daw kasi niyang nakita sa likod ng paaralan tuwing lunch break"mahabang paliwanag niya. Tumango-tango na lang ako. "Sinabi mo ba ang dahilan?Ibinuking mo ba ako?" Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ako ng hiya....Nahihiya akong malaman ng binata ang dahilan kung bakit nasa likod lang ako ng paaralan tuwing lunch break.Parang ayaw kong malaman niya,nakapangliliit sa sarili. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Wala naman siyang pakialam kahit malaman niya pa ang dahilan!Wala siyang magagawa! Tama! Kaagad umiling si Diana "Hindi 'no! Sekreto mo 'yun na sekreto ko rin kaya walang makakaalam" Ngumiti ako,alam ko hindi ako nito ilalaglag. "Kung ganoon ano ang sinabi mo?" Tanong ko. Minsan kasi ang hina nito sa pagpapalusot,baka kung ano ano ang sinabi nito sa binata.Pero sigurado naman akong hindi ako nito ipapahiya.May tiwala naman ako. "Sabi ko tumatambay ka lang doon kasi mahangin" proud nitong sabi. Para akong nabunotan ng tinik sa dibdib.Nakahinga ng maluwag. "Tara na,baka gabihin tayo sa daan"Aya ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot.Nagsimula na kaming lumakad sa mahaba at maalikabok na daan.Tahimik lang ako habang itong kasama ko pangiti ngiti na tila ba kinikilig. "Ang cute na talaga"bulong nito na animoy hindi ko narinig. "Hoy" untag ko sa kaniya. "Bakit?" "Anong bakit?"balik tanong ko sa kaniya. "Iyang ngiti mo hindi na matanggal ah"tudyo ko. "Crush mo 'yun ano?"dagdag ko pa. Malapad ang ngiting tumango-tango siya "Para siyang Knight in shining armor!"tili nito. Pinagsiklop pa nito ang dalawang kamay na parang nanalangin tumingala din "Thank you Lord for bringing him to me"matigas na ingles niyang aniya. Napailing nalang ako.Siguro kung may batong pakalat-kalat baka natisod na 'to. "Ganun pala ang mga tipo mo"komento ko. Bigla siyang lumingon sa akin,masama ang tingin.Makikita ang pagkadismaya sa mukha nito,nakasimangot din. "Kahit naman ganun siya kita mo naman kung paano makipag suntukan"himig nagtatampo siya. "Mali na naman iyang iniisip mo,e"reklamo ko. Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin.Minsan talaga advance itong mag-isip. Mas lalo siyang sumimangot "Kasi naman iba ang dating ng sinabi mo sa akin" "Tama na ngayan.Bilis na at gagabihin na tayo."anyaya ko sa kaniya. Mabilis at malaki ang hakbang na tinahak namin ang daan pauwi.Sa may hanging bridge kami dumaan kung doon kasi sa national road kami dadaan baka may mga tambay na nag-iinuman mabuti nang sigurado at ligtas.Ang tulay na ito ang nagdudugtong sa kabilang baryo.Ang daloy naman ng tubig ay tungo sa dagat na nagsisilbing kabuhayan ng mga tao dito sa amin. "Kita nalang ulit tayo bukas!"pagpapaalam ko. "Sige!Kita kits!" Aniya habang kumakaway. Ilang minuto pa ang linakad ko bago nakarating sa makalumang bahay namin.Walang to ingay akong pumasok sa loob. Gulat ako ng maabotan ko si lola na kababa lang ng hagdan.Kadalasan alas otso na ito umuuwi galing hospital.Isang midwife ang lola ko,hindi pa ito nagriritiro bagama't may ilang hindi na nagtitiwala sa kaniya dahil sa katandaan. "Ohh apo andito ka na pala"aniya Lumapit ako saka nagmano."Saan po kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nito,sa naging gawi ni lola nagkaroon na ako ng ideya. "Si papa na naman ba?"walang emosyon kong tanong. Hindi siya sumagot.Sa halip ay iniba niya ang usapan. "Sige na,pumanhik ka na sa iyong kwarto at magbihis.Kung nagugutom ka may pagkain na" Umiling ako.Kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung saan siya tutungo,alam na alam ko dahil halos nangyayari ito linggo-linnggo. "Lola,baka sa pagkakataon na ito pwede mo na siyang pabayaan para naman magtanda na siya"mariing aniya ko. Bumuntong hininga ito at malungkot na ngumiti"Hindi mo pa maiintidihan dahil bata ka pa" "Sige na,aalis na ako"paalam nito. Napakuyom nalang ako sa aking kamao.Nakakainis! Gusto kong magalit kay lola dahil palagi nitong pinagbigyan si papa.Alam ko pupunta siya sa presinto ngayon para tubusin si papa,nahuli na naman ito.Marahil nagmaneho na naman ito ng lasing o di kaya nakipagbasag-ulo.Hindi na ito bago sa akin dahil laman palagi si papa ng presinto. Mula noong iwan kami ni mama ay naging mabisyo na si papa.Sugal,umiinom at babaero,halos araw araw paiba-iba ang babaeng kasama nito minsan nga dinadala pa nito sa bahay. Ito namang si Lola masyadong ini-spoiled si papa.Ang aking ama ang nag-iisang anak na lalaki ni Lola kaya lahat ng luho nito ibinibigay ni Lola kahit na minsan puro mali na ang ginagawa ni papa,hindi ko nga maintindihan si Lola. Napabuntong hininga nalang ako.Pumanhik na ako sa kwarto at nagbihis.Kailangan ko pang gawin ang project ng ibang studyante,part-time ko ito para kahit papaano naman may pera ako at nakakatulong kay Lola. Pantulog na ang isinuot ko.Bumaba ako para kumuha ng pagkain,nagugutom na ako.Sa kwarto na lang ako kakain habang ginagawa ang mga project.Paglalamayan ko ang mga iyon para matapos na lahat dahil may iba pa akong mga gagawin. Ilang oras kong trinabaho ang mga projects na 'yon.Hindi na ako bumaba pa kahit noong dumating sina Lola.Ayaw kong makita si papa at baka kung ano pa ang masabi ko. Inabala ko nalang ang aking sarili sa mga projects. Nang mapagod ay saka lang ako humiga sa kama.Dahil siguro sa pagod kaya makatulog ako kaagad.Nagising ako dahil sikat ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintan. Kaagad akong bumangon.Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras.Malelate na ako! Nagmamadali akong tumungo sa banyo at naligo.Mabilis lang ang kilos ko,kaunting oras nalang ang mayroon ako. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at kinuha ang mga natapos ng projects. Naabutan kong naghahanda si Lola sa almusal.Tumanggi akong kumain Pero ininum ko ang kapeng tinimpla niya para sa akin,nagpaaalam na ako dahil panigurado huli na ako sa klase. Mabilis ang naging mga hakbang ko.Minabuti Kong dumaan sa national road baka may tricycle akong masipatan papara nalang ako para mas mapabilis ang aking pagdating. Pero kung minamalas ka nga naman halos ilang minuto ko nang binabagtas ang kalsada wala pa ring dumadaan.Pawisan na rin ako dahil sa mahaba habang lakaran. Pinahid ko ang pawis sa noo.Halos trenta minuto ang nilakad ko bago nakarating sa paaralan.Masyado na talaga akong huli sa unang klase ko,nakakahiya namang mangisturbo.Pumunta nalang ako sa likod ng paaralan para magpahangin.Umupo ako sa lumang upuan na maroon. Sana pala hindi na ako nagmadali huli pa rin naman ako.Hindi tuloy ako nakapag-almusal.Kainis! Umagang Umaga sira na araw ko! "Ba't nandito ka?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko biglang may nagsalita. "Ay kabayo!" gulat kong aniya. Mas dumoble ang gulat ko ng mapagsino iyon.Juancho! "May klase ka diba?"Tanong niya ulit. Napaiwas ako ng tingin. "oo"maikling sagot ko. Halos manginig ako ng umupo siya sa arm rest ng upuan.Nanlaki ang mata ko.Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango.Hmm...mabango! Shit! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil halos singhotin ko na ang mabango niyang samyo. "Kung ganun bakit ka nandito?" Ano ba 'to parang principal kong makapagtanong! "Late na ako sa klase kaya hindi na ako pumasok" paliwanag ko. Hindi ko maintindihan itong sarili ko.Hindi naman siya guro para pagpaliwanagan ko. "Dapat pumasok ka pa rin kahit late na" Para naman 'tong tatay kung maka-advice! "E,ikaw bakit nandito ka?" binalik ko sa kaniya ang tanong niya. Back to you Juancho Michael! Mahina siyang tumawa "Same excuse" Napairap ako sa sagot niya.Kung makapag- advice siya kanina e, siya rin naman pala late! May nalalaman pa siyang 'Dapat pumasok ka kahit late na'! Iyon naman pala siya din. Nagulat ako ng tumayo siya. Ano ba ?! Ba't ba bawat kilos niya nagugulat ako! Humarap siya sa akin sabay lahad ng kanang kamay. "Juancho Michael Pangilinan"pagpapakilala niya. Nag-aatubili pa ako kung tatanggapin ba o hindi.Sa huli tinanggap ko. Binalot ng mainit at malambot niyang palad ang akin.Naging mabilis ang t***k ng puso ko at tila may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya. "Jasmine Kaye Mejares"mabilis na sabi ko at kaagad na tinanggal ang aking kamay. Nakakapaso ang hawak niya! Ano 'yun? Bakit ganoon? Biglang tumunog ang kampana ng paaralan hudyat para sa susunod na klase.Kaagad kong isinukbit ang bag ko at sinikop ang mga projects. "Mauna na ako sayo"sabi ko at nagmamadaling umalis.Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.Isa lang ang sigurado sa akin tumatak na ang pangalan niya sa isip at puso ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD