Para akong hindi makahinga habang tinitignan si Sancho at Willow. Kung bakit naman sa lahat ng araw ay ngayon pa sila nagkita? I turned to Jenny na manghang nakatingin sa dalawa. "Willow," Lumapit ako kay Willow at hinila siya mula sa pagkakayakap kay Sancho. "No! I want Daddy!" malakas na sabi niya sa akin. "No. Let's go." Mariin kong sabi sa kanya. Bakit ba niya pinipilit na yumakap kay Sancho na hindi naman siya niyakap? Ako ang nasasaktan habang nakatingin sa kanya. Tsaka nakatingin din si Jenny sa amin. Mamaya kung ano-ano na ang iniisip ng taong iyon. I pulled her away from him at kasunod ng paghila ko sa kanya ay ang palahaw ng iyak niya. "Olivia, sandali..." Narinig kong sabi ni Sancho pero hindi ko na siya nilingon at hinila na papasok sa loob ng bahay si Willow.

