Chapter 34

1080 Words
Kagaya nga ng sabi ko ay nagyaya ako na sa amusement park kami pupunta at ta-da! Andito na kami ngayon at kasalukuyang nagpapahinga sa isang bench malapit sa bilihan ng mga sweets dito sa loob. Sa totoo lang ay kanina pa kaming tanghali nandito at ineenjoy ang lahat ng rides at ngayon ay napagod na kami kaya napagpasyahan na lang namin munang maupo dito at kumain ng ice cream habang pinapanood ang buong paligid. “Xandra, di ko ineexpect na titili ka ng ganong kalakas.” Pagbubukas ko ng topic. Nagulat kasi ako kanina nung bigla syang tumili! Kanina kasi pagsakay namin ng roller coaster ay nakapoker face pa sya as in tapos nung unang ikot nahuli ko syang nakalipbite at nung nakita nya akong nakatingin sa kanya ay umayos sya. Kaso nung ikalawang ikot na at banda don sa biglang umikot ikot yung ride ay rinig na rinig ko yung tili nya na super konting lakas! Contradicting ba? Hahaha! “Clean, hindi ako tumili baka yung nasa likod mo lang yun.” Mahinang sabi nya at hawak nanaman nya yung index finger nya kaya naman napangiti ako ng malaki. “Okay lang naman Xandra kung ipapakita mo sakin yung mga bagay na hindi mo usually nakagawian na gawin eh, kagaya na lang ng pagngiti mo.” Sabi ko pa na ikinangiti nya. Tumango naman sya at humarap sakin. “Yes I know that Clean, pero hindi pa rin ako yung tumili kanina.” Pfft! Hahaha ayoko na ngang ipilit mamaya mapikon bigla pang masira yung mood eh. Agad kong isinuot kay Xandra yung shades nya samantalang face mask naman yung sakin ng may nakita akong dalawang taong sobrang pamilyar! Napangiti ako ng wala sa oras habang tinitignan ko silang dalawa. Akalain mo nga namang isang amusement park lang ang pinuntahan namin pero hindi pa kami nagkita kita kahit kanina sa mga pila or fast food chains o di kaya kahit nagkasalubong manlang. Malapit lang sila samin at kasalukuyang nakasimangot si Stella habang nakayakap naman si Ashley sa braso nya at nagtuturo ng kahit anong sweets, ibang klase palang kadate si Stella poker face to the max eh! “Miss Stella sige na. Ayun, ayun, ito at heto tapos yun at isa pang ganon at idagdag mo na din to at last na yung ganon kasama nitong isa tapos paki-mix sa nauna tapos padagdagan mo na din ng isa pang ganon. Yan lang sige na please?” Ha? Ano daw sabi ni Ashley? Parang napakarami non ah? Nakita ko namang umangat ng todo yung kilay ni Stella na kung may i-aangat pa sa tingin ko ay tataas yun hanggang sa tuktok ng ride nung extreme. “Sabog ka ba?! Lang  ka dyan! Ang lang ay tatlo mga ganon lang eh halos itinuro mo na lahat yan at pinili mo lang talaga yung pinaka-ayaw mo eh! Nasan ang lang na sinasabi mo ha?!” panenermon ni Stella kay Ashley na ngayon ay nakapout na. HAHAHAHA! Iba naman talaga ang ate Stella oh, dapat ko bang sukatin ang BP nya para malaman ko kung ganon sya kahighblood habang nananenermon? Gusto ko sanang i-video silang dalawa kaso baka makalkal ni Stella sa phone ko mahirap na. Napanganga ako ng lumungkot yung mukha ni Ashley tapos bumitaw na sya sa braso ni Stella. “Grabe ka naman Miss Stella, ngayon lang naman ako nagrerequest eh. Sige na nga, wag na magsweets.” Bagsak balikat na sabi ni Ashley at tumalikod na. Nakita ko namang parang na-tanga si Stella tapos maya maya ay parang nagpanic na. Hinabol nya si Ashley at hinawakan ito sa braso at hinila pabalik don sa stall. “Kuya lahat nga ng tinda mo tapos doblehin mo yung chocolates na ituturo nya.” Poker face na sabi ni Stella. “Wow! Ang bait bait mo talaga Miss Stella kaya lalo kitang minamahal eh.” Natutuwang sabi ni Ashley tapos yumakap pa sa bewang ni Stella pero agad din syang i-dinistansya ni Stella mula sa kanya. “Pinagsasabi mo?! Pag di mo yan kinuha wag mo ng kainin lahat yan ah!” masungit na sabi nya tapos tumalikod kay Ashley. Grabe! Gusto kong tumawa ng malakas! Pano nung tinalikuran nya si Ashley ay dito sya nakaharap sa side namin ni Xandra kaya kitang kita ko ngayon na pulang pula yung mukha nya at nakahawak sa bandang puso nya. Shet, sana wag syang masyadong pakiligin ni Ashley dahil baka mahimatay nanaman sya hahaha! “Xandra, tara na.” sabi ko at nauna ng tumayo sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Tumango naman sya at inabot ang kamay ko tapos tumayo na. Napa-iling ako at dahan dahan kong in-intertwined ang mga kamay namin. “Yan, ganyan dapat.” Sabi ko sabay alis ng face mask ko at ngumiti sa kanya ng malaki. Natawa naman ako ng mahina ng bigla syang lumingon sa ibang side pero kitang kita ko namang namumula ang pisngi nya kahit na dahan dahan ng lumulubog ang araw. Hay, pano kaya nagagawang maging maganda at cute ni Xandra sa paningin ko? Ganito na ba talaga ako ka inlove sa kanya? It feels great to have her then. “You know what Clean, I love you so much.” Biglang banat nya na ikina-lipbite ko. “And, I love you so much too Alexandra.” Sabi ko naman sa kanya tapos ay lumakad na kami papuntang parking lot. “I know Clean and I’ll do everything and anything for you.” Sabi pa nya tapos ay ngumiti sakin pero yung ngiti nya na parang may kinakatakutan syang mangyari. At ano naman kaya yun? Kahit na gusto kong magtanong ay pinili ko na lang ding ngumiti sa kanya. “Clean, andon na si kuya. Let’s go.” Sabi pa nya tapos ay bumitaw sakin dahan dahan at nauna ng lumakad habang ako naman ay sinusuri sya ng maigi habang nakatingin ako sa likod nya. Suddenly, nagflashback bigla sa isip ko lahat ng mga salitang huling sinabi nya bago pa man ako lamunin ng antok dahil sa dami ng mga ginawa namin kagabi.. “You might not be my first kiss but.. I gave you my firsts and everything. You are the first and the last person who’ll enter my world. And even if we are no longer together.. I will always love you from the deepest part of my whole being.” Say Xandra, gumagawa ka ba ng puzzle pieces na inaakala mong hindi ko makukumpleto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD