Umalis sya sa ibabaw ko at tumayo na ng may kumatok ng dalawang beses sa pintuan. Napatulala naman ako sa kisame at hindi manlang nakakilos sa pwesto ko.
Ang weird kasi eh. Alam kong weird si Xandra noon pa pero parang may bumabagabag talaga sa kanya. Pero ayoko namang magtanong sapagkat mas nanaisin ko pang sya yung mag-open sakin kaysa naman magtanong pa ako diba? I mean, gusto kong kusa nyang ibigay kaysa hilingin ko pa.
Sinara nya ang pinto at pumasok sa isang pinto dito sa loob ng kwarto nya. Umupo naman ako habang hinihintay ko sya. Paglabas nya ay may dala syang gray at white na hoodie. Inabot nya sakin ang kulay gray na nagtataka ko namang kinuha.
“Malamig sa labas besides mamaya lang ay december na ayoko namang magkasakit tayo.” Nakangiti nyang sabi na agad kong ikinangiti at nawala lahat ng pagtataka ko kanina. “Thanks.”
Sinuot ko naman agad iyon tapos sinuot ang backpack ko. “Bakit dadalhin mo pa yan?” tanong nya na agad kong ikinatigil. “Bawal ba?” matipid na sagot ko sabay lunok at ngiti ng alanganin.
“Nakakahalata na ako. May something ba sa bag na yan?” tanong nya na agad kong ikinailing ng paulit ulit. “Wala! Masyado ka lang nag-iisip noh hahaha! Tara na?” sabay aya ko sa kanya para naman di na nya pag initan kung ano mang mayroon sa bag ko.
“Okay, sabi mo eh.” Sabi na lang nya at nauna ng lumakad kaya agad naman akong sumunod. So, san nya inilagay yung bahay-bahayan na nais ko?
Tahimik lang kaming naglalakad pababa sa magandang hagdanan nila tapos sa kanan pagbaba ay may pintuan tapos binuksan nya yon at agad naman akong sumunod sa kanya. Wow ang ganda ng kusina, kumpleto sa lahat pati oven and baking tools!
“Clean.” Napalingon ako dahil sa pagtawag nya sakin. “Sorry.” Agad na sabi ko at sumunod sa kanya. Sorry naman ah? Kasing laki lang kasi ng first floor ng bahay namin itong kusina nila eh. Pero mas mahirap linisin pag ganito kalaki diba?
Lumabas kami sa nag-iisang pintuan dito sa kusina at sumunod lang ako sa kanya the whole time. Napanganga naman ako na parang may maze garden sila ng nagtataasang vines dito sa backyard nila na mas matangkad sakin ng dalawang beses. Ang lawak talaga ng bahay ni Xandra super!
“Xandra! Baka maligaw tayo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya umiling sakin. “May dalawang entrance itong maze garden, isa dito sa front at isa don sa likod. Kailangan pag pasok mo ay sa kanan ka dumaan para marating mo yung gitna at opposite naman sa kabilang dulo. Pero kapag diniretso mo yang gitna ay laging dead end ang mapupuntahan mo.” Paliwanag naman nya na ikinatango ko.
So yun pala ang sikreto. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa lumiko ulit sya at natigilan ako na may isang kalakihang articifial na waterfalls dito sa gitna tapos malapit dito ay may malaking puno din at nasa baba non yung tent na siguro ay pinagawa ni Xandra
“Wow, ang ganda.” Sabi ko na ikinatawa nya. “Mom designed that waterfalls.” Sabi nya tapos maya maya lang ay pumasok na kami sa loob ng tent at may dalawang bed bank sa loob non.
Kaka-upo ko lang ng bigla syang lumapit sakin kaya napayakap naman ako sa bag ko at ngumiti sa kanya. “Bakit?” tanong ko pero mabusisi naman nya akong tinignan.
“Spill it. Anong mayroon sa loob ng bag na yan at hindi mo mabitawan?” tanong nya na ikinangiti ko ng alanganin. Ano ba naman yan! Dapat mamaya pa tong madaling araw kaso napaka-atat naman ni Xandra!
“M – mamaya na! Bakit gusto mong malaman?” tanong ko pa pero nginitian nya ako. “I just want to see it badly. Besides, kanina mo pa yan hawak ng mahigpit kaya nagtataka na talaga ako.” Tapos nagpout pa sya na ikinalipbite ko ugh! Xandra mang-aakit!
Napabuntong hininga ako tapos tumingin sa kanya. “Sabi ko nga eh hindi mo na ito mahihintay.” Napangiti naman sya tapos dumistansya sakin kaya napa-iling na lang ako.
Binuksan ko ang bag at may medium size na box don. “Sige alisin mo yung takip.” Sabi ko sa kanya na ginawa naman nya kaso..
“Explosion box ba yan?” nagtatakang tanong nya. Napaface palm naman ako at tinitigan yung box. Epic fail shet! Nalaglag nga yung apat na wall ng box kaso yung glue ang kapal at basa basa pa tapos dislocated pa yung pictures! Nakakalokang Stella! Ano? Nag-enjoy sa glue!?
“Stella!” bungad ko kay Stella pagpasok ko dito sa loob ng kama nya sa clinic. Kitang kita ko naman na magkasalubong ang kilay ni Stella tapos si Ashley ay nakangiti ng wagas.
“Hello po Miss Clean.” Mabait na bati sakin ni Ashley na ikinasimangot ni Stella. “Hello din Ashley.” Bati ko naman sa kanya.
“Ashley? Pwede sa labas ka muna kasi may gagawin kami ni Stella eh.” Paki-usap ko naman sa kanya na pinag-isipan nya. “Baka may maitulong po ako Miss Clean.” Offer ni Ashley kaya napangiti ako ng alanganin.
Nakita ko namang pinitik ni Stella ang noo nya kaya napahawak sya don. “Hindi pwede bata. Basta don ka muna sa labas para maka-uwi na tayong lahat.” Masungit na sabi ni Stella kay Ashley na ikinatawa ko.
Hays, kitang kita ko naman na magkakasundo talaga sila pero itong Stella na to ayaw ibaba yung pader na binuo nya para naman makapasok si Ashley. Pero sana naman hindi magsawa to si Ashley dahil mabait naman talaga si Stella.
“Sige na nga.” Defeated na sabi ni Ashley tapos lumabas na sya. Agad ko namang sinara at binuhol yung mga kurtinang nakapalibot dito sa kama.
“Hoy Stella! Sigurado ka bang marunong kang gumawa ng explosion box ba yun?” agad kong tanong sa kanya na ikinatango nya sabay indian sit. “Oo naman! Ako pa! Oh sige ayusin mo na yang pictures at gupitin. Ako ng bahala dito sa box.” Agad na sabi nya na ginawa ko naman.
Kada gupit ko ng pictures ay inaabot ko kay Stella na may kung ano anong dinikit at ginugupit sa box. Binili ko na kasi lahat ng materials para sana gawin namin to after ng pagdedecorate kaso nahimatay naman sya!
“Stella iihi lang ako ah.” Paalam ko sa kanya at nag-aalalang tinignan yung box na ginagawa nya. Uhh.. mukha namang okay yung box. “Sige na umihi ka na ako ng bahala dito!” sagot nya kaya agad na akong umihi.
Pagbalik ko ay inabot na nya sakin yung box na mukhang maayos naman dito sa labas. “Alisin mo lang yung takip tapos sasabog na yan.” Proud na proud na sabi pa nya na ikinailing ko. Sana naman hindi palpak!
“Ashley?” nagtatakang tawag ko sa kanya ng makita ko syang papikit pikit na dito sa waiting area. “Ang tagal nyo naman Miss Clean.” Nakapout na sabi nya tapos napa-tsk naman si Stella kaya agad ko syang siniko at pinanlakihan ng mata.
Lumakad na kami papuntang parking area habang nagkekwentuhan at kulitan tapos sumasali din si Ashley na ikinakasalubong ng kilay ni Stella pero dahil di nya matiis din na makulitan kay Ashley ay palihim syang napapangiti na nahuhuli ko naman!
Pareho kaming nagtaka ni Stella ng sumunod si Ashley sa kanya hanggang sa tapat ng sasakyan. “Oh bakit nakasunod ka sakin? Wala ka bang sasakyan?” taas kilay na tanong ni Stella.
Ngumiti naman si Ashley tapos umiling. “Ang sabi ko po kasi sa mom ko ay sasabay ako sa kaibigan ko kaya hindi ko na sya pinapunta.” Masayang sabi ni Ashley na ikinanganga ni Stella.
“Ano!? Ayoko nga! Hindi kita isasabay, bahala ka dyan!” sigaw ni Stella sa kanya tapos nagtalo sila dahil gusto talagang sumabay ni Ashley sa kanya.
Napa-face palm naman ako at inawat na sila. “Ashley samin ka na lang muna makitulog, pagdating ng sasakyan ng daddy ko kinabukasan ay ihahatid kita.” Offer ko na lang dahil naawa kuno naman daw ako kay Ashley dahil night shift daw ang mom nya.
“Talaga po? Maraming salamat Miss Clean!” masayang sabi ni Ashley at lumakad na palapit sakin pero nakakadalawang hakbang palang sya ay hinawakan sya ni Stella sa braso at dinala papunta sa sasakyan at agad na binuksan yon.
Pfft! Gusto kong tumawa ng malakas kaso baka mahalata ni Stella na joke lang naman yung sinabi ko! Huli ka! “Bakit Miss Stella?” naguguluhang tanong ni Ashley.
“Akala ko ba sasabay ka sakin?” masungit na pagkakasabi ni Stella. “Diba sabi mo ayaw mo – “ naputol ang sasabihin ni Ashley ng bitawan ni Stella ang braso nya.
“Oh di wag, sige dyan ka na kay Clean.” Sabi ni Stella na aktong magwawalk out na pero agad na niyakp ni Ashley ang braso nya na agad nyang ikinatigil tapos medyo namula pa sya wahahaha!
“Sabihin mo kasi agad Miss Stella! Hatid mo na ako dali!” sabi ni Ashley at pinagtulakan si Stella papasok ng back seat na puro angal naman ang naririnig ko pero di naman pumapalag!
Bago pumasok si Ashley ay she mouthed her thank you kaya agad akong napahalakhak ng matindi. “Anong mayroon? Hoy! Clean! Ikaw – “ tapos naguguluhan pa yung mukha ni Stella dahil tawa na lang ako ng tawa.
“Tara na po kuya!” sigaw ni Ashley at sinara na ang pintuan kaya kitang kita ko ang masamang titig ni Stella sakin tapos sinimangutan pa ako habang papalayo na ang sasakyan samantalang kumaway naman si Ashley sakin na may malaking ngiti.
Ang arte naman kasi! Hahahaha!