“Cleandrea, bakit late ka ng umuwi?” bungad ni mama sakin pagpasok ko pa lang ng bahay. Humalik naman ako sa pisngi ni mama tapos ngumiti. “Sinamahan ko po muna kasi si Stella hanggang sa dumating po yung driver nya eh.” Paliwanag ko naman.
“Ganon ba? Oh sige maupo ka na at nang makakain na tayo.” Umupo naman ako at pinagmasdan ang mga plato sa harap ko. “Mama? Bakit tatlo lang po?”
“Di kasi makaka-uwi ang daddy mo dahil may meeting pa sya. Oo nga pala, may sleepover daw kayo ni Alexandra?” dagdag pang tanong ni mama.
Napangiti naman ako ng malaki. Sleepover, sounds fun and exciting.. pero kung titignan mo, teritoryo yon ni Xandra samakatuwid walang iistorbo samin! Shet, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba sa sleepover na ito ha!
“Cleandrea, nakakatakot yang ngiti mo.” Nabalik ako sa wisyo dahil sa harsh na comment ni mama. “Grabe ka naman ma! Nasan po si Xandra?”
Saktong pagtanong ko ay nakababa na sya ng hagdan kaya sabay sabay na kaming kumain na tatlo at usually dahil wala si dad ay ako ang nakatoka na maghugas ng mga pinggan.
Naghuhugas na ako ng pinggan ng may sumandal naman sa counter malapit sakin. “Clean, bakit inabot ka ng ganito kalate?” tanong ni Xandra.
“Kasi sinamahan ko pa si Stella eh.” Paliwanag ko naman tapos hindi na sya nagsalita kaya naghugas na ulit ako.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at napahinto sa paghuhugas na ginagawa ko ng bigla syang yumakap sa likod ko.
“Next time.. i-text mo ako. Nag-alala ako sayo.” Mahinang sabi nya habang nakasubsob sa balikat ko. Napangiti naman ako sabay lingon sa kanya.
“Promise. Sorry kung napag-alala kita. Hindi na mauulit.” Sabi ko naman sabay lingon sa paligid kasi baka nandyan si mama. Nako! Anong palusot ang gagawin ko kung nagkataong makita kami ni mama ng ganito?
Pero kung sabagay pwede ko namang sabihin na sweet lang talaga si Xandra at nadevelop ang friendship namin simula pa nung June diba? Tama tama.
Bumitaw sya dahan dahan tapos tinapos ko naman na ang paghuhugas ko. “Don ka na sa bahay namin maligo.” Sabi nya na agad na ikina-urong ng dila ko. Luh.. ayoko! Mamaya may spare key sya eh! Nababaliw na ba ako!? Di naman ganon kapervert si Xandra diba? Hindi nga ba? Oops..
“Hahaha! Hindi na noh! Dito na ako maliligo, nakakahiya naman na magpunta pa ako sa inyo ng mabaho diba?” sabi ko naman tapos lumakad na pataas tapos sumabay naman sya sakin.
Mukhang nag-isip naman sya tapos tumingin sakin. “But you smell sweet.” Pagdadahilan naman nya na hindi lumusot sakin.
“Xandra, alam kong maganda kang sobra pero hindi mo ako madadaan sa palusot na yan.” Sabi ko pa tapos winave ko ang index finger ko as a sign for no.
Nakita ko namang namula sya tapos tumalikod at lumakad palabas ng kwarto. “Okay.” Sagot nya bago nya isara ang pinto na ikinapigil ko ng tawa.
Sabi na eh! Pag compliment talaga napapatahimik sya wahaha! Mukhang mananalo na ako sa banatan!
///
Nakababa na ako ng sasakyan nila Xandra kasunod nya ng huminto ito sa tapat ng pintuan nila.
Napanganga ako ng makita ko ang kabuohan ng mansion mansion nya. Kung mansion ang kay Stella, Kyla, at Janina, yung kay Xandra ay mansion mansion dahil mas malaki pa ito ng doble o triple eh!
Mula dito sa malaking pintuan ay may malawak na grass na pwedeng pag ganapan ng event like parties. Tipikal na mansion ba ganon, tapos kung titignan ay maraming gwardya ang umiikot tapos yung iba parang nakagolf cart pa. Ang lawak ng bahay ni Xandra!
“Clean, tara na.” rinig kong sabi nya kaya sumunod naman ako habang nakahawak sa strap ng backpack ko. Pagdating namin sa tapat ng pintuan ay kusang bumukas ang pintuan at sinalubong kami ng maraming maids tapos bumabati sila kay Xandra.
Sa dulo naman ay may babaeng around 50’s ang nagbow at naiiba ang kulay ng uniform. “Welcome home, lady Alexandra.” Bati nya kay Xandra at maya maya lang ay tumingin sya sakin.
“Sya po ang unang kaibigan nyo na dinala nyo dito. Anong pangalan mo iha?” tanong nya sakin. Ngumiti naman ako at nagmano. “Clean po.” Nakangiting sagot ko naman.
Tumawa naman sya tapos ngumiti sakin. “Magalang na, maganda pa.” with that ay wala na akong nasabi. Nakakaloka naman! Pwede namang magalang na lang at wala na yung maganda.
Although confident naman ako na maganda ako, syempre nakakahiya pa din kapag galing sa iba yung pagpuri diba? Parang mas okay kapag sarili ko na lang ang pupuri sakin eh.
Maya maya lang ay nag-usap sila ni Xandra tapos hinatid na kami sa kwarto nya sa taas.
Yung totoo? Bakit nakitira pa samin si Xandra eh kung kasing laki lang ng bahay namin sa village ang kwarto nya?
Pagpasok namin ay umalis na din yung parang head ng maid department. Ano bang tawag don? Nakalimutan ko eh, okay na yan magegets din naman yan hahaha!
“Xandra? Bakit samin ka pa tumira kung mas malaki naman ang bahay mo?” Tanong ko sa kanya sabay upo sa king size na bed nya.
Most of colors na dominating dito sa kwarto nya is silver and white samantalang yung kwarto ko naman ay kulay light blue.
“Dahil yun ang sabi ni dad. Why? Ayaw mo ba akong makasama?” tanong naman nya na agad kong ikinailing. “Uy hindi ah! Ang swerte ko nga dahil nakilala kita.. Alexandra.” Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata nya pero dahil hindi ko kayang matitigan yun ng matagal ngayon sa anumang dahilan ay inilibot ko na lang ang mga mata ko dito sa kwarto nya.
“Ang ganda ng kwarto mo, ang cool tignan.” Comment ko habang natutuwa sa pagtingin sa paligid. “Pero mas maganda dito kung araw araw ay ikaw na ang kasama ko.” Napalunok ako ng maramdaman kong nakatayo na pala si Xandra sa harapan ko.
Expected ko na ang ganitong scene pero kinakabahan na naeexcite pa din ako eh. “Xandra..” mahinang sabi ko ng lumapit pa sya lalo kaya wala akong nagawa kundi umatras pa hanggang sa ibabawan nya ako kaya napahiga na ako.
“Wanna know what Clean? You’re such an eye catcher lalo na nung nagmall tayo.” Sabi nya sabay hawak sa magkabilang kamay ko at itinaas yun hanggang sa uluhan ko samantalang walang tigil naman ang puso ko sa pagtibok ng mabilis.
Napalunok ako at sa di inaasahang pagkakataon ay sa mga labi nya ako ngayon nakatitig. Bakit ganun.. it’s inviting.
Pero sa aming dalawa ay sya naman talaga itong tinitigan sa mall diba? “Ikaw kaya itong tinititigan ng mga tao.” Wala sa sariling sagot ko. “Where are you looking, Clean?” tanong nya na di ko pinansin.
Di ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon pero bigla na lang akong napangiti ng pilya tapos inalis ko dahan dahan ang isa kong kamay mula sa pagkakahawak nya sabay sabi ng.. “Here.” at humawak sa batok nya sabay hila sa kanya pababa.
Nagdikit ang mga labi namin pero ng ibuka nya ang mga labi nya ay napangiti ako lalo at inilabas ko ang dila ko sabay dinilaan ko ang lower lip nya.
“Clean.” Nanlaki ang mga mata nya pero natawa lang ako at hinalikan ko na sya ng dahan dahan.
Xandra, I don’t think I can imagine another day without you.