Kyla’s POV Naiwan nga ako dito sa lamesa at dahil wala din akong magawa at kahit naiimagine ko pa yung kwento ni Janina ay inubos ko na lang itong chocolate at fruits sa harap ko. “Date?” napataas ang kilay ko ng may sumulpot na lang bigla mula sa kawalan. Nagsimula na din na magsalita ang emcee ng kung ano ano tapos nagtatawag pa ng mga member ng board at mukhang nagspeech sila. Kung ganito lang din naman pala sana nagsama sama na lang sila sa conference room at don nagkwentuhan. Pake ba namin sa nakaraan nila. “What’s with the mood?” tanong pa ng babaeng ‘to pero di ko pa din sya pinapansin. “Hey.” Sa inis ko ay hinarap ko sya kaso. Argh, wrong move! Sobrang lapit namin na alam kong pati sya ay nagulat. Dumistansya muna ako bago magsalita. “Stop stressing me out Polaris.” Sabi ko ta

