Janina’s POV “Ayan Clean, saluhin mo!” mayabang na sigaw ni Stella sabay talon at nagspike sa ere. Nginisihan naman sya ni Clean at nagmadali itong nagdive sa buhanginan para maisalba ang bola at pinasa naman ni Miss Xandra sa kabilang court. “Ayos! Walang kupas!” “Naman! Ako pa!? Huh!?” “Oh tama na ang papanget nyong magyabangan.” Awat ni Kyla sa kanila na ikinatawa ng lahat. Napasimangot pa ako sabay cross arms sabay sandal sa kinauupuan ko. “Um, Miss Janina, paki-abot naman ng marinated chicken.” Pakisuyo ni Jewel na nag-iihaw sa tabi ko. Tumango naman ako sabay abot nung topper ware na may laman ng hinihingi nya. “Ito oh.” “Salamat.” Tapos palitan nyo lang yung marinated chicken ng barbeque, isaw, adidas, pusit, hotdogs at iba pa at yun na yung convo namin sa buong dalawang oras

