(A/N: Continuation pa din po ito sa previous chapter ng POV ni Stella.)
Stella’s POV
Naka-upo ako dito sa couch sa loob ng principal’s office. Di muna ako pinaalis ng staff at sinabihang i-eexcuse na lang ako sa lahat ng klase. Okay sana eh kung kasama sila Clean! Kaso mag-isa lang ako? Ayokong maging katulong dito sa office!
Napatayo ako ng lumabas ang principal sa office nya at lumapit sakin. “Miss Allister tama ba?” halata mo naman sa boses nya na kilalang kilala nya talaga ako.
Well, close lang naman sila ni Miss Dalakdak kung saan suki kami ni Clean sa guidance.
“Yes po.” Magalang na sagot ko naman. “Pwede bang paki-tour mo naman si Miss Ashley Valdez dito sa CBAGHS?”
“Po? May mga stundet council naman – “ she cut me off kaya agad akong nanahimik. “Wala pa kasi ang members ng student council dahil sa binigay na task sa kanila ng school nitong bakasyon. Since narito ka rin naman. Ikaw na lang ang magtour, kawawa naman kasi yung bata.”
Napakamot naman ako sa batok ko at tumango na lang dahil labag talaga sa loob ko. Hays! Ang swerte ko namang ngayong araw!
Nagpasalamat si principal tapos pumasok sa office nya at paglabas nya ay kasama na nya yung bata.
“Sya si Miss Ashley Valdez. Grade 7 section A. Ikaw na ang bahala sa kanya.” Nakangiting sabi ng principal at hinatid pa kami sa labas ng building para masiguro nyang i-to-tour ko nga itong Ashley daw.
Naramdaman kong may hahawak sa kamay ko kaya agad kong isinuot ang kamay ko sa bulsa ng chaleco ko. “Hep! Tama na yung kanina. Maglakad ka ng diretso highschool ka na eh.” Sabi ko sa kanya na ikina-pout nya.
Sus kala mo naman cute hindi naman.
“Okay po. Pero ano pong pangalan nyo?” tanong nya na agad kong di pinansin.
Naglakad ako at huminto kami dito sa tapat ng fountain. “Alam mo ang tawag dyan?” tanong ko sa kanya sabay turo sa fountain. “Fountain po.” Magalang na sagot naman nya.
“Mahusay.” Comment ko na may nababagot na tono. “Talaga po?! Ma – “
“Next is, yung mga bench na nakapaikot dyan pati na din yang mga upuan sa ilalim ng puno ay pwede mong tambayan, gumawa ng assignments at kung anong nais mo.” Pag-e-explain ko habang itinuturo ko yun isa isa.
Tumango tango naman sya at napa-face palm naman ako na mukha pa syang nag-eenjoy kahit na ang lamig ng pakikitungo ko sa kanya. Manhid ba tong batang to?
Naglakad naman ako sa harap ng fountain facing ang malaking gate kung nasan ang entrance ng school. Tinuro ko ang kanan kung saan maraming sasakyan ang nakaparada.
“Alam mo kung bakit maraming mga sasakyan dyan?” tanong ko sa kanya. Masigla naman syang tumango at tinaas pa ang mga kamay na akala mo nasa recitation class kami. “Dahil parking lot po yan!”
“Ang husay talaga.” Nababagot na sabi ko. “Woah! Ta – “
“Sunod ay itong oval.” Sabi ko at naglakad na sa kaliwa kung nasan ang hagdan pababa ng oval.
Habang pababa ay napahinto ako ng bigla syang yumakap sa braso ko kung saan nakalagay ang kamay ko sa bulsa. “Diba sabi ko lumakad ka na lang ng diretso?” mahinahong pagkakasabi ko.
Mamaya bigla tong umiyak ako pa ang masisi. Mahirap na!
“Baka po kasi madulas ako pababa. Please po.” Ayan nanaman yung puppy eyes na yan! Purket blue yung mata pinangangalandakan!
Tumango na lang ulit ako at hinayaan na lang sya.
“Yan yung field at don yung grandstand. Dito nagaganap ang trainings ng mga athlete ng school at kung ano pang sports related dito.” Sabi ko at agad ng tumalikod paakyat pero natigilan ako ng di pa sya gumalaw. Nakayakap nga kasi sya sa braso ko diba?
“Teka po! Eh hindi ko naintindihan.” Napabuntong hininga naman ako. “Alam mo yung google?” tanong ko sa kanya at tumango na lang sya.
“I-search mo. Tara na ang init dito.” Kahit na may malaking question mark sa mukha nya ay wala na syang nagawa kundi ang sumunod.
Ako ang tour guide alangan namang mag-adjust pa ako para sa kanya?
“So dito ang open field. Kapag di na kasya sa oval dito din ginaganap ang ibang outdoor activities gaya ng archery at kung ano pa.” sabi ko sabay turo sa open field. “Pero wag kang pupunta sa nag-iisang puno don.”
“Bakit naman po?” tanong nya pa. Inalis ko naman ang kamay nya at yumuko para lumapit sa mukha nya. Napahinto naman sya at napatitig sakin.
“Dahil maraming loko loko don, pag lumapit ka don baka mapagtripan ka. Ikaw din.” Sabi ko sa tonong nananakot at nauna ng lumakad.
At sino yung loko loko na mga yun? Syempre kami yun! Pero di naman namin sya pagtritripan. Wag lang syang tatambay don dahil tambayan namin yun eh!
Tapos na ang pagto-tour ko kuno at ngayon ay nandito na kami sa fourth floor kung nasaan ang room nya. “Sa bawat itaas ng pinto ay may Grade at section na nakalagay. Grade 7 section A ka, dumiretso ka lang at nasa dulo ang room mo.”
Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako para umalis pero natigilan ako ng hawakan nya ang kamay ko.
“Ano – “ naputol ang sasabihin ko ng bigla syang yumakap sa bewang ko. Ayan nanaman! Nagskipped nanaman!
Natauhan ako ng bigla na lang syang nagsalita. “Thank you po sa pagtotour sakin! Pero ano pong pangalan nyo?” nakangiting tanong nya sakin.
Pero dahil nagulat nga ako sa ginawa nya ay tumalikod na ako at umalis habang naiwan naman syang nakatayo.
Ano bang trip ng batang yon!? Di naman ako lapitin ng mga bata base sa pagkakatanda ko ah!