Alexandra’s POV Galit na galit akong pumasok ng bahay at padabog na isinara ang pinto. As expected, wala ngang katao tao dito sa loob para masaksihan kung paano naipahiya ang mga Sison sa labas tsk. Inangat ko ang gown na suot ko ng may pag-iingat dahil kahit na ayoko sa araw na ito ay si Clean mismo ang pumili ng gown na ito kaya dapat ko itong ingatan. Paakyat na sana ako ng hagdan pero nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko kaya agad akong napahinto at napalingon sa taong iyon. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung paano ko ba maipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero one thing is for sure.. I’m happy. “Clean.” Banggit ko sa pangalan nya. “P – paano ka nakapasok?” gulat na gulat na tanong ko pero nginitian nya ako ng malaki sabay senyas na wag akong maingay. “

