“I’ll call you when I need assistance.” Sabi ni Xandra kaya agad agad na umalis ang saleslady na nakasunod samin. “Wala ka na bang damit?” tanong ko sa kanya habang tumitingin sya.
Nandito kami ngayon sa isang boutique na puro dress, gowns at kung ano ano pang mga mahal na damit na pwedeng maisuot sa isang pormal na okasyon something like that.
“Funny Clean haha.” Yung haha? Sobrang sarcastic grabe naappreciate ko ngang funny! “Seryoso kasi Xandra! May event ba?” tanong ko sabay buntot sa kanya ng magpunta sya sa isang room kung saan tadtad ng magagarbong gown.
“Clean, sa tingin mo.. alin sa mga yan ang bagay sakin?”
“Para saan?” tanong ko sabay lakad na at tinitigan ang mga gowns at accessories na nasa paligid. “Basta, gusto ko lang malaman kung alin ang sa tingin mo ang babagay sakin.” Sabi naman nya tapos tumalikod na sakin at nag-ikot na.
Kung ako ang tatanungin, lahat bagay sa kanya, kahit anong kulay dahil maputi naman sya so kahit anong kulay ang isuot nya makikita pa din kung gaano sya kaganda.
Hmm.. alin kaya? Ang hirap namang mamili! Hindi naman kasi ako sanay sa gowns eh! Usually kasi si mama ang pumipili sakin dahil mas magaling akong pumili kung pang sayaw lang naman.
Oh lala..
Natulala ako sa isang itim na gown na strapless at may touch ng silver flowers sa upper tapos balloon yung lower nya at may kumikinang na silver sa palibot nito. Alam nyo yung kapag titingin kayo sa gabi tapos maraming stars? Basta ganon yung design sa baba.
Lumibot ang mata ko at nakita ko ang isang gloves na hanggang siko na same ng style nung gown, mayroon ding touch ng silver. Then pag tingin ko sa accessories may nakita din akong maliit na tiara.
Napangiti ako ng makita ko ng sunod sunod ang babagay sa gown na tinititigan ko ngayon.
For me this black gown represents Xandra the most. At first akala mo talaga plain black lang sya pero habang tumatagal at habang nakikilala mo sya unti unti mong makikita yung personality nya which is represented by those silvers all over the gown.
Kapag sinuot ni Xandra ‘to panigurado lalabas yung sobrang puti nya tapos makikita mo din yung black orbs nya. Xandra na Xandra talaga!
“I like that one.” Narinig kong sabi nya. “Talaga? Bagay sayo itong gown tapos yung gloves na yon pati na din yung maliit na tiara!” hyper na pagkakasabi ko habang tinituro yung mga natipuhan ko kaya agad syang natawa ng mahina.
“Why so hyper? I got it Clean.” Sabi nya at tinawag na si ate. Di ko marinig yung pinag-uusapan nila kasi medyo lumayo sila sakin. Pero kailagan ko bang malaman?
“Dito naman tayo sa dress.” Sabi nya at umikot sa mga damit. “Yung totoo nga kasi Xandra? May event ba?” nakapout na tanong ko sa kanya.
“Silly, wala nga gusto ko lang bumili. So alin dito?” tapos tinaas nya ang isang plain blue na dress tapos isang black dress na may swirls na gold na design.
“Hmm, try mo both.” Sabi ko na lang kaya agad syang nagpunta ng fitting room pero ng may maalala ako ay hinawakan ko ang kamay nya.
“Xandra may itatanong ako.” Bulong ko sa kanya sabay hila sa kanya sa sulok yung part na walang tao. “Ano yun?”
“Uhh.. “ hesitate na usal ko. Umm, pano ko ba itatanong sa kanya? Itatanong ko ba kung hinalikan nya ako kaninang umaga o hindi? Baka sabihin nya hindi naman nya ginawa at nananaginip lang ako. Anong sasabihin nya? Sobrang ko syang namiss? Pero totoo naman yun..
“Clean?”
“Kaninang.. kaninang umaga ba.. pumunta ka sa kwarto ko at kiniss ako?” parang batang tanong ko sa kanya.
Agad syang napangiti tapos maya maya ay tumawa sya. “You’re so cute. Can I kiss you?”
“Alexandra naman eh.”
“Okay, okay. It’s true, hinalikan kita kaninang umaga. Ang plano ko ay gisingin ka lang talaga. Pero kasi ang pink ng lips mo, it’s like.. your lips saying hi to me so I french kissed you.” Explain nya ng nakangiti.
Napanganga naman agad ako at napatakip sa bibig ko. “Baliw ka! Tulog pa ako non at walang ka-toothbrush tootbrush! Nakakahiya!” pabulong na sigaw ko. Swear! Nakakahiya talaga, imagine walang mumog or toothbrush tapos nirape nya agad yung lips ko?
Yung totoo? Ako ba yung malala o sya? Both ata hahaha!
Lumapit sya sakin kaya agad akong nanigas. “It doesn’t matter. I love you and I’m willing to kiss you every morning with or without brushing your teeth.” Bulong nya tapos nagpakawala pa sya ng ihip sa tainga ko na agad kong ikinalayo sa kanya.
Shet! Ang tainga ko! Buti agad kong natakpan ang bibig ko kundi tumili na ako! Loko ka talaga Xandra!
“Isusukat ko lang ‘to.” Sabi nya tapos naglakad na sa fitting room pero bago sya pumasok ay may ginawa syang hindi ko inaasahan.
Kinindatan nya ako!
Pag kindat nya ay napahawak ako sa puso ko tapos agad naman syang pumasok sa fitting room. Akala ko sa cartoons lang yung ganito! Pero totoo pala na para talagang pinana yung puso ko dahil sa kindat na yon!
“Miss? Are you okay? Pulang pula po kayo, may masakit po ba sa inyo?” nabalik ako sa realidad ng dahil sa saleslady. “Y – yes. I’m fine, thank you.”
Mababaliw ata ako!
///
“Clean.”
Napalingon agad ako sa direksyon ng tumawag sakin. Tumingin ako sa wall clock at ilang minuto na rin pala akong lutang. Si Xandra kasi eh!
Nakalabas ang ulo ni Xandra sa curtains ng fitting room at bukas ang pinto. Lumapit naman ako sa kanya ng senyasan nya ako. “Bakit?”
“Hindi ko maabot ang zipper. Paki-tulungan naman ako.” Sabi nya kaya agad akong lumingon sa paligid. Wala namang tao kaya agad akong pumasok sa fitting room at sinara ang pinto tapos pati ang curtains.
“May kinuha ka bang dress na may zipper sa likod?” tanong ko habang inaayos ang kurtina. “Yeah, lumabas kasi ulit ako. Your spacing out so I guess you didn’t see me.” Sabi nya na agad kong ikinapikit.
Sino ba namang hindi mag-space out sa ginawa nya? Duh!
“Clean, hindi ko talaga abot.” Sabi nya kaya agad na akong humarap.
Teka, nahulog ata yung panga ko ikakabit ko lang!
Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko yung pulang garter ng panty nya na ruffles ang style dahil sa baba ng zipper tapos sa taas.. yung bra nya na kulay red, maybe nasa harap yung lock kaya walang lock dito sa likod. Shet! Bakit naman hinahanap ko yung lock ng bra nya?!
“Clean.”
“O – okay.” Kinakabahang sabi ko tapos lumapit na ako. Daaaaamn! Di ko maialis ang mata ko sa likod nya tapos sobrang bilis at lakas pa ng t***k ng puso ko! Ang puti nya super!
Inangat ko dahan dahan ang kamay ko kaso napalipbite ako ng makitang nanginginig yun. Gosh, ano bang ginagawa sakin ni Xandra?! Tense na tense ako eh magtataas lang naman ako ng zipper!
Inangat ko dahan dahan yung zipper kahit na sobrang nanginginig yung kamay ko kahit na hindi naman ako pasmado!
“Eyes up here, Cleandrea.” Rinig kong sabi nya. What?! Naitaas ko na yung zipper?! Agad ko namang inangat ang mga mata ko kaso.. sumalubong naman na sobrang lapit yung mukha nya!
“A – ang lapit mo.” Mahinang sabi ko sabay atras kaso natigilan ako sa pag-atras ng yumakap sya sa batok ko. Waaah! Amoy na amoy ko si Xandra! Nakakaduling pa yung intense na titig nya sa mga mata ko!
Bumaba ang tingin nya tapos umangat ulit. “I want to try something.” Sabi nya sabay tickle ng nose nya sa nose ko.
“Something?” agad na tanong ko.
“Yup, like.. making out inside the fitting room?” patanong na sagot nya sakin. “Huh?” tanong ko habang nagloloading sa utak ko ang gusto nyang i-try.
Fitting room? Eh diba nasa fiiting room kami?!
“Here I go.” Huling sabi nya bago nya ako bigyan ng isang mainit na halik na agad ko naman tinugon. You really make me crazy Alexandra Sison and because of that.. I think I want more of you.