Chapter 13

1709 Words
Malapit ng mag-alas tres ng madaling araw at narito na kaming sampo ngayon sa Guidance Office. Sila Jewel, Ashley, Kyla at Janina ay nasa long couch sa right side ko samantalang nandito kami nila Stella, ako at Polaris sa center tapos sa left ay sila Alice, Florintina at Valerie at nasa harapan namin ay ang isang single couch kung saan uupo ang hukom, este si Miss. Nakatitig lang ako sa orasan ng biglang sumigaw si Valerie. “Gosh!” napalingon kaming lahat sa kanya na ngayon ay sinasabunutan ang sarili nya. “I can’t believe this! Ito ang unang beses na magkakarecord ako sa guidance!” sabi pa nya at ginamit na nya ang dalawang kamay nya upang sabunutan ang sarili. Well, hindi sa aming apat kaya nga chill lang kami eh. “Oo nga! Ako din! First time! First time ko talaga as in! Nang dahil lang sa mga pangyayaring ito! Sino ba kasing nagsabing sa kanan tayo!?” sigaw pa ni Florintina kaya dahan dahan akong yumuko. Sinabi ko bang sumunod sila!? Wala naman ah! Nagyaya lang kaya ako! “Stop blaming okay?” biglang singit ni Polaris sabay buntong hininga kaya agad na tumigil si Florintina. Kanina pa ako nahihiwagaan dito kay Polaris, may iba talaga sa kanya eh! Kanina pa sya tahimik tapos ngayon naman sobrang mukhang seryoso nya. Bipolar kaya ‘to? “Sa tingin ko nga magandang experience ‘to. Hahaha!” tapos bigla pa syang tumawa pero with poise pa din syempre. “Ano pong ibig mong sabihin president?” tanong pa ni Alice. Nagkibit balikat muna sya sabay ngiti. “Ang sinsabi ko lang ay magandang experience din ito. Come to think of it, high school life wouldn’t be this fun if we didn’t experience something like this right? I guess my high school experience is already complete.” Tapos tumawa nanaman sya. Yung dalawang bata nag-agree samantalang napatango naman ako tapos ngumiti yung tatlong baliw. Sila Florintina at Valerie naman ay napabuntong hininga na lang at um-agree na rin kahit papaano tapos  napailing na lang din si Alice habang nakangiti. Bumukas ang pinto at pumasok na si Miss Dalakdak kaya agad kaming napahinto. “Oh, complete all the information needed in this paper. Kapag may kulang ay hindi agad makakaalis, maliwanag?” masungit na sabi ni Miss. “Opo Miss.” Sabay sabay na sagot namin at kumuha na ng ball point pen. Umupo sya sa harapan namin at tinignan kaming lahat. “Unang una sa lahat, ang Night Out ay maraming rules at isa dyan ay ang nilabag nyo. Bawal na bawal na kayong lumabas once na magstart na ang curfew – “ Blah blah blah. Ugh! Kabisadong kabisado nya talaga ang rules ng Night Out ha? Eh bakit parang habang tumatagal pati school rules, school system, at pati importanteng mga tao dito sa school ay nasasama na? Napabuntong hininga na lang ako at tinagalan pang magsulat. Badness, mahaba habang gabi ‘to. /// Ngayon ay sama sama na kaming naglalakad pabalik ng Function Hall na katabi lang ng building nitong guidance. Guess what? Mag a-alas sais na! Wala na kaming maitutulog dahil mamayang alas otso lang ay gigising ang lahat tapos ay closing ceremony then magsisi-uwi na ng alas dies. Pero kami? Matutulog pa lang! “What the heck? Pano nyo kinakaya Clean na tumagal kay Miss Dalakdak?” out of nowhere na tanong ni Valerie habang nakapikit na ang mga matang naglalakad. Sila Ashley at Jewel ay naglalakad na magkadikit ang ulo habang nakapikit na, inaalalayan na lang sila ni Janina at Kyla. Samantalang si Florintina ay sinasampal ang sarili nya para lang magising tapos si Alice ay halos masubsob na kada lalakad dahil antok na antok na. At si Polaris? Pilit nyang pinalalaki ang mga mata nya para lang hindi sya mapapikit which is I find it really funny. Damn, namumula na din yung mga mata nya! Hahaha! “Sanayan lang yan.” Natatawang sagot ko tapos nagthumbs up pa si Stella. “Tama! Idagdag mo pa na sobrang immune na kami!” sabi pa nya na sinang ayunan pa nila Kyla at Janina. Napahinto ako sa paglalakad ng makapa kong wala yung panyo ko sa bulsa ng pajamang suot ko. “Bakit Clean?” tanong ni Stella na huminto din. “Stella, nakita mo ba yung panyo ko?” tanong ko sa kanya habang kinakapkapan ang sarili ko. Umiling naman sya dahan dahan. “Wala naman akong panyong nakita kanina eh.” Sagot nya tapos maya maya lang ay napatitig sakin. “Don’t tell me – “ I cut her off. “Oo, isa sa panyo na binurdahan ni mama.” Sabi ko pa. “Hala importante yun. Tara samahan kita.” Umiling naman ako tapos ngumiti. “Mauna ka na, hahanapin ko lang.” “Teka – “ wala na syang nagawa ng tumakbo na ako paalis. Syet nasan na yun? Hindi pwedeng mawala yun dahil si mama mismo ang nagburda non. Minsan pag bakante si mama which is sobrang bihira ay binuburdahan nya ang mga damit ko. Kaso puro Cleandrea eh, ang sabi ko nga Clean na lang pero ayaw nya daw. Magkatunog daw kasing sobra ang pangalan namin. Cleopatra at Cleandrea. Napailing na lang ako sa naisip ko at agad na naglakad papunta sa hallway kung saan kami nanggaling kanina. Sa tutuusin lang hindi ito ang unang beses na nawalan ako ng panyo eh pero yung panyong yun, wala namang burda. Actually, hindi naman sya nawala eh, pinahiram ko lang sa isang babae dati.. kaso anong year nga yon? Nakalimutan ko na hays! “Ahhhh! – huh?!” sigaw ko kaso agad na naputol ng makilala ko kung sino ang humatak sakin sa loob ng kwartong ito. “Xandra!” nakangiti kong banggit ng pangalan nya. Lumapit agad ako sa kanya at yumakap. “Nag-alala ako ng sobra sayo! Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Saan ka ba pumunta?” dahan dahan akong kumalas pero nakahawak pa din sa mga kamay nya. Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti sabay tilt ng ulo nya. “Did you miss me?” Napalipbite agad ako at napatingin sa ibang direksyon. Yung totoo?! Shet! Kinilig ako bigla! Pero agad nawala ang pagkakilig ko ng may maalala ako. “Xandra naman eh. Nag-alala kaya ako.” Nakapout na sabi ko pero binigyan nya lang ako ng ngiti. Ikaw na maganda hays. Nakaka-inlove. “I’m sorry. Okay naman ako kaso muntik lang ako makatulog sa tagal ng paghihintay ko sayo.” Sabi nya tapos inaya akong maupo kaya umupo naman kami na magkaharap. “Paghihintay?” “Oo. Pipigilan sana kitang lumiko kanina kasi naramdaman ko na may mga tao sa lilikuan nating direskyon plus.. nahulog mo ito.” Tapos kinuha nya ang kamay ko at inilagay ang panyo sa palad ko. “Nasayo lang pala to! Salamat sobra akong nag-alala, si mama pa kasi ang nagburda nito eh.” Masayang sabi ko habang hawak ng mahigpit ang panyo. “Yeah right, Cleandrea is written on it.” Napasimangot ako dahil parang nang-aasar pa yung tono nya. “Wag mo na nga akong asarin. Pero paano mo nalaman na may mga tao pala sa lilikuan natin?” “Wala lang, naramdaman ko lang. Anyway, let’s go back. Para kahit paano may maitulog tayo.” Yaya nya at agad kaming tumayo kaso ng palabas na kami… Sinandal nya ako sa pintuan at yumakap sa batok ko. “But before that, I want to kiss you.” Mahinang sabi nya habang nakapikit na ang mga mata nya. Natawa naman ako ng mahina. Magiging si Xandra ba sya kung hindi nya ako hahalikan? I smiled as I felt her lips on mine. I feel so contented whenever I’m with her. I hope this can last.. /// Ngayon ay palabas na kaming lima ng school at nasa kanan ko si Xandra samantalang yung tatlo ay nasa kaliwa ko. “Kainis! Nahuli pa tayo! Edi sana libre din ang breakfast at lunch natin sa school idagdag mo pa na libre yung ticket sa isang concert ng sikat na banda sa US!” himutok ni Janina habang bitbit ang mga gamit nya. “Kahit wala na yung ticket basta may libreng breakfast at lunch lang.” sabi pa ni Kyla sabay buntong hininga. “Tama, basta fudz lang sapat na.” dagdag pa ni Stella kaya agad akong napatingin sa kanila. “Yung totoo? Naghihirap na ba kayo? Kung makapagsalita kayo parang di kayo pinapabaunan ha.” Sabi ko sa kanila kaya agad akong nakatanggap ng mga hampas na hindi ko manlang nailagan kahit isa! “Aruuu!!!” “Pagkain yun Clean noh! Kahit anong sabihin mo mas masarap pa din kapag libre yung kinain mo.” Sabi pa ni Janina na sinang-ayunan ng dalawa. May point naman sya kaso wala eh, nahuli kami ni Miss Dalakdak! “Mga baliw! Magsipaglayas na nga kayo andyan na sundo nyo!” sigaw ko sa kanila at agad silang itinaboy ng dumating na ang mga sasakyan nila. “Xandra, inaantok ka pa?” tanong ko sa kanya paglabas namin ng school ng makita ko syang humihikab. “Medyo, pero makakatulog naman ako ng katabi ka diba?” Napangiti naman agad ako. “Anong mayroon? Bakit ang sweet mo ngayon?” natatawang sabi ko sa kanya na agad nyang ikinahinto kaya kahit nagtataka ay napahinto din ako. “Bakit? Hindi ba ako sweet lagi?” alanganin naman akong natawa. Sweet naman sya eh sobra! Kaso pano ko ba to sasabihin? “Umm.. sweet.” “Honest.” Matipid nyang sabi at nauna ng maglakad kaya sumunod na lang ako. Nakapasok na kami ng bahay pero agad kaming nagkatinginan ng makita naming may apat na tao dito sa living room. “Andito na po kami.” Mahinang sabi ko na agad naman nilang ikinalingon. Sila mama at dad ay nakaharap samin samantalang lumingon pa sa amin yung kausap nila dahil nakatalikod sila sa pwesto namin. Uhh.. sino sila? Parang kasing edad lang nila mama kaso mukhang nakakatakot yung lalaki eh! “Mom. Dad.” Agad akong napalingon kay Xandra dahil sa itinawag nya sa mga bisita. So.. sila ang parents? Goodness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD