Chapter 11

994 Words
Ngayon ay nakapila kami at kasalukuyang nagtutulakan paliko sa isang hallway kung saan pinakamalakas na maririnig ang mga hikbi na kanina pa namin hinahanap. “Ikaw na nga kasi Tela! Tutal nakausap mo naman si manong eh!” bulong ko sa kanya sabay tulak pero ang galing! Hinila ako sabay tulak din! “Ayoko! Malay ko bang may hidden identity si manong! Ikaw naaa!” sigaw nya pa pero umikot ulit ako sa likod nya at nagtulakan nanaman kami. Napahinto kami ng pumagitna si Florintina at Valerie tapos sinenyasan kami na huminto. “Really guys? Tulakan talaga? Can we just forget about the trip?” “It’s unforgettable.” Singit ni Alice na sinang-ayunan ng dalawang bata. “Tama po si Miss Alice, ang saya po kaya.” Sabi pa ni Ashley. “Oo na masaya na yung trip. Pero maiba ako, sino yung nasa kaliwa ko kanina!? Ang lakas bumatok non ah! Feeling ko magkakabukol ako!” naiinis na sabi ni Florintina tapos lumingon pa sa amin isa isa. Tinuro ako ni Stella tapos tinuro ko si Valerie, tinuro naman ni Valerie si Ashley at dahil katabi nya si Jewel ay tinuro nya yon. And lastly, tinuro ni Jewel si Alice na agad namang napaturo sa sarili nya. “Ako? Hindi ako sumali sa batukan vice.” Paliwanag nya agad ng samaan sya ng tingin ni Florintina. “Ugh! Never mind! So sino na ang – “ “Ang matatakutin nyo. Ako na.” biglang singit ni Xandra na ikinalingon namin sa kanya. Sabay sabay naman kaming napanganga ng bigla syang umalis sa kumpulan namin at lumiko na sa hallway. “Wait Miss Xandra!” “Sasama kami!” “Gusto ko din makita!” /// Mula dito sa kinatatayuan namin ay kitang kita ang dalawang babae na naka-upo sa sahig at nakasubsob sa mga tuhod nila habang umiiyak. Lumapit pa ako at pumantay kay Xandra ng may marealize ako. Napalingon ako kay Stella ng tumabi sya sakin tapos tinitigan din ng maigi yung mga umiiyak. “Janina?” tawag nya kaya agad na nag-angat yung isa ng tingin. Hala! Oo nga! Kaya pala medyo pamilyar! Lumakad ako ng isang hakbang at tinitigan ng maigi ang isa pa. “Kyla? Bakit kayo umiiyak?” tawag ko pa kaya agad silang napatayo. “Uwaaah! Stellaaaa!” “Cleaaaaan!” Sigaw nilang dalawa tapos tumakbo pa talaga samin! So may ganon talaga? Yumakap si Janina kay Stella tapos yumakap naman sakin si Kyla. “Buti nakita nyo kami.” Bulong ni Kyla sakin kaya agad kong hinaplos ang likod nya. “Naman! Ang lakas ng pandinig ni Xa – Miss Xandra eh haha!” sabi ko pa sabay yakap sa kanya. Ayon sa kanilang dalawa, pinuntahan nila kami sa pwesto namin kanina nung magsipaglatag kami ng mga kama namin matapos magsilabas ng mga bantay. Pero pag dating nila ay mga unan na lang ang nakita nila. At dahil daw alam nilang puro kami kalokohan ay agad nilang inilibot ang paningin nila at napansin nila ang isang kurtina na may malakas na hangin kaya nalaman nila ang tungkol sa bukas na bintana at doon din dumaan. Tapos ay naglibot sila pero ng mapagod sila ay napagpasyahan nilang bumalik na pero agad silang naligaw kaya paikot ikot sila. Pero ng mahinto sila sa hallway na ito ay may nakita daw silang babaeng nakaputi kaya agad silang nagyakapan at maya maya ay sabay na silang umiyak. Mga baliw diba? Imbis na tumakbo at maghanap ng daan palabas ay mas inuna pang umiyak. Paano kung tropa pala nila Serpentina at ni Granny yung babaeng nakaputi na yon? Edi lagot na sila? “Ang duduwag nyo talaga.” Naiiling na sabi ko habang katabi ko yung dalawa na di pa din maka-get over sa kakakwento sa mga ganap sa kanila kanina. “Wow Clean.” “Miss Clean tumili din po kaya kayo kanina.” “Oo nga po tapos kayo pa nga po ang nangunguna sa pagtakbo eh.” “Yupp! And you keep on pushing Stella.” Agad akong lumingon kay Valerie ng nakapoker face. “Wow Valerie, eh nakalingkis ka din kaya kay Miss Xandra.” Sabi ko sa kanya kaya lalo pa syang sumiksik kay Xandra. Ugh! “That’s because.. uhh.” Pagrarason nya tapos tumingin pa sa kung saan saan. Huminto naman kami at tumingin sa kanya habang inaantay ang irarason nya. “Because..” “Dahil natatakot ako ng sobra! So scary!” napapoker face kaming lahat at tinalikuran sya ng sabay sabay tapos lumakad na kami kaso napahinto kami ng lumiko kami sa isang hallway. Si Florintina ang nasa unahan namin at mula sa harap nya ay… Yung babaeng nakaputi na dress na hanggang below the knee at may mahabang itim na buhok na halos umabot na sa bewang nya ay tatlong dipa na lang ang layo mula sa kinatatayuan namin. “Oh fuck.” Bulong ko sabay kapit kay Kyla. Bale nangunguna sila Florintina at Alice kasama sila Jewel samantalang kaming apat yung sumusunod tapos sa dulo ay si Xandra at si Valerie. “AAAAAAAAAAAHHHHHH!” sigaw naming lahat tapos nagkapit kapit kami. “AAAAAAAHHHH” alam nyo yung naubusan ng hininga sa unang sigaw? So ayan po yung ikalawang sigaw na mas malakas sa una. Pero dahil nanigas na nga kami sa kinatatayuan namin ay pinanood lang namin yung babae habang dahan dahan syang lumilingon sa pwesto namin. And the most unexpected sa gabing ito? Tumakbo si Florintina at binatukan yung babae! Goodness, white lady kaya yon! “How dare you para takutin kami! Tao ka pala! Guys! Nahahawakan ko sya!” sigaw pa nya at walang tigil na binatok-batukan yung babae. “ANO!?” “SUGUDIN YAAAAAN!” sigaw ko at sama sama naming sinugod yung babae! What the heck! Akala ko naman nakakita na ako ng white lady! But damn, di ako humihiling na sana makakita ako ng ganon noh! Wag na lang oy!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD